AngFIFA World Cup, ay isang paglisahang pandaigdig sa larongfutbol na pinaglalabanan ng mga nakakatandang pambansang koponan ng mga kasapi ngFédération Internationale de Football Association (FIFA), ang pandaigdigan mamumuno ng laro. Ang paligsahan ay idinaraos sa baway apat na taon simula noongunang idinaraos ang paligsahan noong 1930, maliban noong 1942 at 1946 kung saan hindi ito dinaraos dahil saPangalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kasalukuyang kampyon ay angArhentina, ang koponang nanalo ng kanilang ikatlong titulo saPandaigdigang Kopa 2022 saQatar.
Ang kasalukuyang ayos ng paligsahan ay may kasamang bahaging pangkwalipaksyon, na kasalukuyang nangyayari ng tatlong taon bago ang isang paligsahan, para malaman ang mga koponang makakasali sa bahaging pangpaligsahan. 32 na koponan, kasama ang kusang nakasali na (mga) punong-abalang bansa, ay makikipagsapalaran sa bahaging pangpaligsahan para sa titulo sa maraming mga kaganapang lugar sa (mga) punong abalang bansa sa loob ng higit kumulang ng isang buwan.
Ang labing-dalawang Pandaigdigang Kopa ay napanaluhan ng walong iba't-ibang mga pambansang koponan. AngBrasil ay nananlo ng limang beses, at ang natatanging koponan na naglaro sa bawat edisyon ng paglisahanan. Ang mga iba pang nanalo sa paligsahan ay angItalya atAlemanya, na may apat na titulo bawat isa; AngArhentina at unang mga kampyonUrugway, na may dalawang titulo bawat isa; at angInglatera,Pransiya at angEspanya, na may isang titulo bawat isa.
Ang World Cup ay ang pinakapinapanuod at sinusubaybayan na kaganapang palaro sa buong daigdig, dinadaig pati angPandaigdigang Lupong Olimpiko; ang pinagsamang bilang ng mga manonood ng lahat ng mga laro saPandaigdigang Kopa ng FIFA 2006 ay tinatayang 26.29 bilyon na may tinatayang 715.1 milyong katao na nanood ng pangwakasang laro, siyam na bahagi ng buong populasyon ng buong daigdig.[1][2][3][4]
AngPandaigdigang Kopa ng FIFA 2014 ay idinaraos sa Brasil. Ang susunod na mga edisyon ng paligsahan ay idadaraos saRusya sa2018 at saQatar sa2022. Binabatikos ang parehas na bansa sa medya, Ang Rusya dahil saKrisis sa Krimeya ng 2014 at ang Katar dahil sa mga parata sa pagbili ng boto ang mababang kalidad ng kalagayan sa pangtrabaho para sa mga banyagang manggagawa.
- ↑"2006 FIFA World Cup broadcast wider, longer and farther than ever before".FIFA.com (sa wikang Ingles).Fédération Internationale de Football Association. 6 Pebrero 2007. Inarkibo mula saorihinal noong 23 Marso 2015. Nakuha noong11 Oktubre 2009.
- ↑Tom Dunmore,Historical Dictionary of Soccer, pahina 235, panipi "The World Cup is now the most-watched sporting event in the world on television, above even the Olympic Games."
- ↑Stephen Dobson and John Goddard,The Economics of Football, pahina 407, panipi "The World Cup is the most widely viewed sporting event in the world: the estimated cumulative television audience for the 2006 World Cup in Germany was 26.2 billion, an average of 409 million viewers per match."
- ↑Glenn M. Wong,The Comprehensive Guide to Careers in Sports, pahina 144, panipi "The World Cup is the most-watched sporting event in the world. In 2006, more than 30 billion viewers in 214 countries watched the World Cup on television, and more than 3.3 million spectators attended the 64 matches of the tournament."