Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Ezra Pound

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ezra Pound
KapanganakanKamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
    • Hailey
  • (Blaine County,Idaho, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan1 Nobyembre 1972
LibinganCemetery of San Michele
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposUniversity of Pennsylvania
Hamilton College
Trabahomakatà, kritiko literaryo, kompositor, tagasalin, awtobiyograpo, manunulat, ekonomista, mamamahayag, personalidad sa radyo, historyador ng panitikan
AsawaDorothy Shakespear (20 Abril 1914–)
KinakasamaIseult Gonne
AnakMary de Rachewiltz,Omar Pound
Magulang
  • Homer Loomis Pound
  • Isabel Weston

SiEzra Weston Loomis Pound (30 Oktubre 1885 – 1 Nobyembre 1972) ay isangAmerikanong nangibang-bayangmakata,manunuri, atintelektuwal, na naging isang pangunahing tao sakilusang Modernista noong unang hati ng ika-20 daang taon. Malawakang itinuturing siya bilang ang makatang may kagagawan ng pagbibigay kahulugan at pagtataguyod sa isang makabagong estetiko sa panulaan.[1] Sinabi ng manunuring siHugh Kenner ukol kay Pound nang magtagpo sila na: "Agad kong napag-alamang nasa paligid ako ng gitna ng modernismo.[2][3]

Sa kaagahan ng "kabataan" ng ika-20 daang taon, nagbukas siya ng pagpapalitan ng mga gawa at mga ideya sa pagitan ng mga manunulat na mga Britaniko at mga Amerikano, at naging bantog sa pagiging mapagbigay na ginamit niya sa pagsulong ng mga gawa ng kanyang mga kasabayang sinaRobert Frost,William Carlos Williams,Marianne Moore,H. D. (oHilda Doolittle),Ernest Hemingway, at natatangi na siT. S. Eliot. Nagkaroon din siya ng mabigat na impluho sa mga Irlandes na manunulat na sinaW. B. Yeats atJames Joyce.

Nagsimula ang kanyang malaking ambag sa panulaan sa pamamagitan ng kanyang pagtataguyod ngImahismo, isang kilusan sa panulaang humango ng teknika mula sa klasikongpanulaang Intsik atHapones, na nagbibigay ng diin sa kalinawan, katumpakan, at ekonomiya o pagkamatipid sa wika, at pagtatanggal ng nakaugaliangrima otugmaan at metro, upang  – ayon sa mismong mga pananalita ni Pound  – "makalikha sa loob ng pagkakasunud-sunod ng pariralang matugtugin, hindi na sa pagkakasunud-sunod ngmetronoma."[1][4] Tumuon ang kanyang sumunod na panghuling mga gawa, sa loob ng limampung mga taon, sa kanyangThe Cantos, isang ensiklopedikong epikong tula.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.1Ezra Pound, Poets.org
  2. Salin ng Ingles na: "I suddenly knew that I was in the presence of the center of modernism."
  3. Blume, Harvey.Hugh Kenner: The Grand Tour[patay na link], Bookwire.com
  4. Salin ng Ingles na: "compose in the sequence of the musical phrase, not in the sequence of the metronome."
International
National
Academics
Artists
People
Other
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Ezra_Pound&oldid=1879414"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp