AngEuropa ay isa sa pitongkontinente ng daigdig. Matatagpuan sa silangan ng Europa ang mgaKabundukang Ural atCaucasus, angIlog Ural, angDagat Caspian, angDagat Itim, ng mga daluyan ng tubig na nag-uugnay sa Dagat Itim atDagat Egeo. Sa hilaga naman, katabi ng Europa angKaragatang Artiko at ng iba pang mga anyong-tubig. AngKaragatang Atlantiko ay nasa kanluran naman ng Europa at angDagat Mediteraneo ay nasa timog ng kontinente na ito samantalang ang iba pang mga parte ng Dagat Itim ay matatagpuan sa timog-silangan at ang iba pang daluyan ng tubig. Subalit, ang mga hangganan ng Europa ay na impluwensiyahan ng mga sanhing may kinalaman sa politika at kultura ng rehiyon.
Ang Europa, base sa laki at lawak ng lupain, ay ang pangalawang pinakamaliit na kontinente sa mundo na mayroong 10,180,000 kilometrong kuwadrado. Ang mga lupain ng Europa ay ang mga bumubuo ng mahigit 2% ng mundo at mahigit 6.8% ng mga lupain ng mundo. AngRusya ay ang pinamalaking bansa sa Europa kung pagbabasehan sa lawak at laki ng lupain at ang Banal naLungsod ng Vaticano ay ang pinakamaliit.
Ang Europa ay isa ring kontinente ng kasaysayan sapagkat ito ang itinuturing na ang lugar na kapanganakan ng kulturang Kanluranin at dito rin lumaki at lumago ang mga makalumang sibilisasyon ngSinaunang Roma at ngSinaunang Gresya. May malaking ginanap na papel ang kontinente ng Europa sa kasaysayan na mapapatunayan sa mga pangyayari at mga naganap rito noong mga iba't ibang panahon na nakalipas. Mapapatunayan ito sa mga ika-14 at ika-16 na siglo na ang Europa ay may malaking ginanap sakolonyalismo ng mga iba't ibang parte ng mundo. AngUnang Digmaang Pandaigdig at angIkalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasentro rin sa Europa. SaDigmaang Malamig naman, ang Europa ay hinati sa dalawang parte, ang isa na panig saNATO at isa saUnyong Sobyet. Sa taong 1991 naman nagawa ang organisasyongUnyong Europeo na naglalayong pagkaisahin ang buong kontinente. Sa heograpiya, angUkranya ay ang pinakamalaking bansa sa Europa ayon sa lugar at ang pinaka-kultural, linguistically at etnikong magkakaibang.