Angetolohiya ay isangsiyentipiko at obhetibong pag-aaral ng pag-uugali nghayop, na kadalasang nakatuon sa pag-uugali sa ilalim ng likas na mga kondisyon, at napapanood na pag-uugali bilang isang ebolusyonaryong katangiang umaangkop.[1] Sinasalarawan din ng katawagang behaviorismo bilang ang siyentipiko at obhetibong pag-aaral ng pag-uugali ng hayop, na kadalasang tumutukoy sa sinukat na tugon sa estimulos o sa sinanay na mga pag-uugaling tugon sa isang konteksto salaboratoryo, na walang isang partikular na diin sa ebolusyonaryong adaptabilidad.[2]
Pinagsama-sama ng etolohiya angagham sa loob at labas ng laboratoryo, na may matibay na relasyon sa ilang ibang mga disiplina tulad ng neuroanatomiya,ekolohiya, at ebolusyonaryong biyolohiya. Tipikal na pinapakita ng mga etolohista ang interes nila sa isang proseso ng pag-uugali sa halip na sa isang partikular na pangkat ng hayop,[3] at kadalasang pinag-aaralan ang isang uri ng pag-uugali, tulad ngagresyon, sa ilang mga walang kaugnayan naespesye.
Mabilis na lumalagong larangan ang etolohiya. Simula noong pasimula ngika-21 dantaon, ang mga mananaliksik ay muling sinuri at natamo ang mga bagong konklusyon sa maraming aspeto ngkomunikasyon ng hayop, mga emosyon, kalinangan, pagkakatuto at seksuwalidad na ang pamayanang siyentipiko ay matagal nang naisip na nauunawaan ito. Sumulong ang mga bagong larangan, tulad ng neuroetolohiya.
Maaring mahalaga ang pagkaunawa sa etolohiya o pag-uugali ng hayop sapagsasanay sa hayop. Kung isasaalang-alang ang likas na pag-uugali ng iba't ibang espesye o lahi ay pinapagana nito ang mga nagsasanay upang piliin ang mga indibiduwal na pinakamainam na gumanap sa kinakailangan na gawain. Pinapagana din nito ang mga nagsasanay na mahimok ang pagganap ng likas na nangyayaraing pag-uugali at pagtigil sa hindi nais na pag-uugali.[4]

Ang lathalaing ito na tungkol saSoolohiya atSikolohiya ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.