Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Etnolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Angdalublahian oetnolohiya (mula saGriyegongἔθνος,ethnos nangangahulugang "tao, bansa, lahi") ay isang sangay ngantropolohiya na naghahambing at nagsusuri sa mga pinagmulan, pamamahagi, teknolohiya,relihiyon,wika, atkayariang panlipunan ngetniko,panlahi, at/opambansang mga kahatian ng sangkatauhan.[1]

Makaagham na disiplina

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Kapag inihambing saetnograpiya, ang pag-aaral ng isahang mga pangkat sa pamamagitan ng tuwirang ugnayan sa kultura, kinukuha ng etnolohiya ang pananaliksik na tinipon ng mga etnograpo at pinaghahambing at pinagkakaiba pagkaraan ang iba't ibang mga kalinangan. Idinidikit ang salitangetnolohiya kayAdam Franz Kollár na ginamit at binigyang kahulugan ito sa kanyangHistoriae ivrisqve pvblici Regni Vngariae amoenitates na nalathala saVienna noong 1783.[2] Ang pagtuon ng pansin ni Kollár sa lingguwistiko at pangkulturang dibersidad ay napukaw ng sitwasyon sa kanyang katutubo at may maramihang wikangKaharian ng Unggarya at ng kanyang pinag-ugatan sa piling ngmga Islobak, at ng mga pagbabagong nagsimulang lumitaw pagkaraan ng unti-unting pag-atras ngImperyong Otomano sa mas malayongmga Balkan.[3]

Kasama sa mga layunin ng etnolohiya ang muling pagbubuo ngkasaysayang pantao, at pormulasyon ng pangkulturang mga bagay na hindi nagbabago, katulad ng pagbabawal ng pag-aasawa o pagtatalik ng napakalapit na mga kamag-anak (halimbawa: magulang sa anak, kapatid sa kapatid), at pagbabago sa kultura, at ang paggawa ng mga panlalahat ukol sa "kalikasan ng tao", isang diwang sinusuri magmula pa noong ika-19 daang taon ng mga pilosopo (Goerge Friedrich Wilhelm Hegel,Karl Marx,istrukturalismo, atbp.). Sa ilang mga bahagi ng mundo, umunlad ang etnolohiya na kasama ng nagsasariling mga landas ng imbestigasyon at doktrinangpedagohikal, kung saan naging nangingibabaw angantropolohiyang pangkultura partikular na saEstados Unidos, at ngantropolohiyang panlipunan saDakilang Britanya. Lalong lumalabo ang pagkakaiba sa pagitan ng tatlong mga kataga. Itinuring ang etnolohiya bilang isang larangan pang-akademya magmula noong huling panahon ng ika-18 daang taon lalo na sa Europa at paminsan-minsang iniisip bilang isa sa anumang pag-aaral na naghahambing ng mga pangkat ng tao.

Nagkaroon ng mahalagang gampanin ang ika-15 daang taon na panggagalugad ng Amerika ng mga Europeong manggagalugad sa paggawa ng bagong mga kaisipan ngkanluraning mundo, katulad ng konsepto ng ang "Iba". Ang salitang ito na ginagamit na kasama ang "mga mabangis", na maaaring tinatanaw bilang mararahas na mga barbaro, o kaya, bilang "maringal na mabangis". Kaya't taliwas sakabihasnan angdalawahang gawi saberberya (kaugnay ngDalampasigan ng Berberya), isang klasikong pagsalungat na binubuo ng mas marami pang pangkaraniwang pinagsasaluhangetnosentrismo. Ang pagsulong ng etnolohiya, katulad ngantropolohiyang istruktural niClaude Lévi-Strauss, ang humantong sa pagtuya sa mga diwa ng isang tuwid na pagsulong na pangkasaysayan, o hindi tunay na pagsalungat sa pagitan ng "mga lipunang may mga kasaysayan" at "mga lipunang walang mga kasaysayan", na hinusgahang labis na nakasandig sa may hangganang pagtanaw ngkasaysayan na ibinunsod ng pinagsama-samang paglago.

Kadalasng tinutukoy ni Lévi-Strauss ang mga sanaysay niMontaigne hinggil sakanibalismo bilang isang maagang halimbawa ng etnolohiya. Nilayon ni Lévi-Strauss, sa pamamagitan ng isang metodong pangkayarian, para sa pagtuklas ng pandaigdigang hindi nagbabagong mga bagay sa lipunan ng tao, kung saan pangunahin, sa kanyang paniniwala, ang pagbabawal ng pag-aasawa at pakikipagtalik sa kamag-anak. Subalit ang mga paniniwala sa ganyang pagiging pambuong daigdig ay tinuligsa ng sari-saring mga tagapag-isip na makalipunan noong ika-19 at ika-20 daang taon, kasama sina Karl Marx,Nietzsche,Michel Foucault,Louis Althusser, atGilles Deleuze.

Ang paaralang Pranses ng etnolohiya ay partikular na may kahalagan para sa pagpapaunlad ng disiplina magmula pa noong kaagahan ng dekada ng 1950 kaugnay ninaMarcel Griaule,Germaine Dieterlen, Claude Lévi-Strauss, atJean Rouch.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Newman, Garfield, atbp. (2001).Echoes from the past: world history to the 16th century. Toronto: McGraw-Hill Ryerson Ltd.ISBN 0-07-088739-X.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. Zmago Šmitek and Božidar Jezernik, "The anthropological tradition in Slovenia." Sa: Han F. Vermeulen at Arturo Alvarez Roldán, mga patnugot.Fieldwork and Footnotes: Studies in the History of European Anthropology. 1995.
  3. Gheorghiţă Geană, "Discovering the whole of humankind: the genesis of anthropology through the Hegelian looking-glass." Nasa: Han F. Vermeulen and Arturo Alvarez Roldán, mga patnugot.Fieldwork and Footnotes: Studies in the History of European Anthropology. 1995.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Etnolohiya&oldid=2134891"
Mga kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp