Also.eu, shared with other member states of the European Union.
AngEstonia (Estonyo:Eesti), opisyal naRepublika ng Estonia (Estonyo:Eesti Vabariik) ay isang bansa sa silangang baybayin ngDagat Baltiko sa Hilagang Europa. Ito ay napapaligiran sa hilaga ngGolpo ng Pinlandiya sa ibayongPinlandiya; sa kanluran ngDagat Baltiko sa ibayongSuwesya; sa timog ngLetonya; at sa silangan ng Lawang Peipus &Rusya. Ang teritoryo nito ay binubuo ng pangunahing lupa & ng 2,222 isla sa Dagat Baltiko[8], sumasaklaw sa isang kabuuang lugar na 45,2272 km2 (17,462 mi2) at nakakaranas ng klimang mahalumigmig-kontinental. SinaTallinn, ang kabisera ng Estonya; atTartu ay ang mga pinakamalaking siyudad atpook-urban sa bansa. Ilan sa mga kilalang siyudad ay: Narva, Pärnu, Kohtla-Järve, at Viljandi. Ang opisyal na wika ng bansa,Estonyo, ay ang ikalawang-pinakasalitang wikang-Pinnik.
Ang teritoryo ng Estonya ay tinitirhan mula noong mga 9,000BC. Ang mga sinaunang Estonyo ay naging ilan sa mga huling paganong Europeo na nagingKristyano pagkatapos ng Krusadang Lebonya sa ika-13ng siglo[9]. Pagkatapos ng mga siglo ng sunud-sunod na pamumuno ng mga Aleman, Danes, Suweko, Polako, at Rusyo, unti-unting umusbong ang kakaibang pambansang pagkakakilanlan sa ika-19 & maagang-ika-20ng siglo. Ito ay humantong sa pagkaroon ngkasarinlan mula sa Rusya sa 1920 pagkatapos ng maikling Giyera ng Kalayaan pagkatapos ngUnang Digmaang Pandaigdig, kung saan ang mga Estonyo, sa ilalim ni Heneral Laidoner, ay kailangang lumaban para sa bagong kalayaan. Paunang demokratiko bago dumating angMalawak na Kahirapan, ang Estonya ay nakaranas ng pamumunong-awtoritaryan mula 1934 sa Panahon ng Tahimik. Sa ilalim ngIkalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945), ang Estonya ay paulit-ulit na inaagaw ngAlemang Natsi & ngKomunistang Rusya (USSR), na nagdulot sa pag-angkin ng USSR nito bilang isang Republikang Sobyet: angSobyetikong Sosyalistang Republika ng Estonya. Pagkatapos ng pagkawala ng di-opisyal na kalayaan para sa USSR, ang opisyal na pagpapatuloy ng estado ay napanatili ng mga delegadong diplomatiko & ang pamahalaang-patapon. Sa 1987, ang mapayapang Rebolusyong Pagkanta ay nagsimula laban sa pamumunong-Sobyet, na nagdulot sa pagbalik ngde facto na kalayaan sa 20 Agosto 1991.
Ang Estonya ay isangbansang-unlad na may masulong at mayamang ekonomiya na isa sa mga pinakabilis-na-umuusbong sa UE mula sa pagpasok nito rito sa 2004[11]. Ito ay nasa malaking ranggo saTalatuntunan ng Kaunlarang Pantao,[12] at ihinahambing nang maayos sa aspeto ng kalayaang-ekonomika, kalayaang-sibil, edukasyon,[13] at kalayaang-pamamahayag[14]. Ang mga mamamayang Estonyo ay nakakatanggap ng unibersal na pangangalaga sa kalusugan, libreng edukasyon, at ang pinakamahabang ibinayad namaternity leave sa OECD.[15] Bilang isa sa mga pinakamaunlad sa aspetong digital na bansa sa mundo[16], ang Estonya ay ang pinakaunang estado na nagsagawa ng halalan gamit ng Internet noong 2005; at ang pinakaunang estado na magbigay nge-residency noong 2014.
Padron:VaataAng pinagmulan ng pangalang Estonya ay nakikita sa tawag naaestid, na unang binanggit ngRomanong mananalaysay na siTacitus sa kanyang akdang "Germania" (sa anyongAestiorum gentes,Aestii, mga bandang taong 98). Sa mga kalaunang sanggunian, lumitaw ang pangalang ito sa anyongHestis (Cassiodorus, 523–526),Aesti (Jordanis, 551),Aisti (Einhard, 830),Esto,Estum (Wulfstan, 887),Iste (Widsith, ika-10 siglo). Karaniwang itinuturing ang mga Aeste bilang mgataong Baltiko o partikular na isangtribo ng Preislado, dahil malinaw na tumutukoy ang maraming paglalarawan ng aestid sa kanilang lugar, ang kasalukuyangrehiyon ng Kaliningrad. Gayunpaman, may ilang mga awtor na nagpalagay na ang aestid ay maaari ring tumukoy sa lahat ng naninirahan sa silangang baybayin ng Dagat Baltiko – isa sa mga posiblengetimolohikal na pinagmulan ng pangalan ay angAlemanikong ugat naost- (öst-,est-) na nangangahulugang "silangan". Sa paglipas ng panahon, maaaring kumitid ang saklaw ng paggamit ng pangalan at sa huli ay nanatili lamang upang tukuyin ang kasalukuyang lupain ng Estonya at ang mga naninirahan dito.[17][18][19][20]
Sa ganitong kahulugan, unang ginamit ang pangalan marahil ng mgaSkandinabo, na gumamit sa mgasaaga (naisulat mula ika-13 siglo, ngunit naglalarawan ng mga pangyayari mula pa noong gitna ng unang milenyo) ng mga anyo ng pangalan naAistland (Gutasaga) atEistland (Ynglinga saga,Saga ni Harald Fairhair,Saga ni Olaf Trygvesson,Saga ni Olaf ang Banal,Sverris saga,Örvar-Oddr saga). Sa isang batong runiko mula ika-11 siglo ng Suwesya ay nakaukit angi estlatum, "sa mga lupain ng Estonya". Mga bandang 1216, sa kronika niSaxo Grammaticus, ginamit ang mga anyongHestia atEstia at ang etnonymongEsto (maramihan:Estones). Maaaring kaparehong kahulugan din angAstalānda na ginamit niAl-Idrisi noong 1154. Mula sa mga Skandinabo, lumipat ang pangalan saMababang Aleman (may mahabang patinig sa simula:Ehstland) at sawikang Latin (hal. sa unang bahagi ng ika-13 siglo, saKronika ni Henry ng Livonia ayEstonia, at sa akdang "Descriptiones terrarum" ayHestonia). Sa pamamagitan ng wikang Latin, kumalat ang pangalan saRuso (Эстония) at iba pang mga wika. Sa ilan sa mga naunang sanggunian, hanggang ika-13 siglo, malinaw na tumutukoy ang pangalang ito sa halos kasalukuyang teritoryo ng Estonya, samantalang sa iba ay hindi tiyak ang kahulugan o tumutukoy lamang sa bahagi ng kasalukuyang Estonya.[17][21][22][23]
Sa mga lumang mapa lumilitaw ang mga anyong Estonia, Esthonia, Estonie, Esthonie, Estlandia o simpleng Esten ("mga Estonyano"). Tumutukoy ang mga katawagang ito sa hilagang bahagi ng kasalukuyang Estonya (ang noo’ylalawigan ng Estonya atguberniya ng Estonya), ngunit noong ika-15–17 siglo lumitaw din ang "Tunay na Estonya" (Estonia Propria) sa pagitan ngLook ng Livonia atLawa Võrtsjärv. Sa umuusbong nawikang nakasulat ng Estonya, hiniram ang pangalan (orihinal naEstimah,Esthi Mah) mula sa anyo ng Mababang Aleman o Silangang Skandinabo noong ika-17 siglo. Ang tirahan ng mga Estonyano ay tinawag naEesti(maa) mula pa noong gitnang bahagi ng ika-19 siglo. Sa parehong panahon, ginamit din ang mga salitangeestlased (mga Estonyano) ateesti keel (wikang Estonyano), na pumalit sa mas naunang mga sariling tawag namaarahvas (mga tao ng lupa) atmaakeel (wikang lupa).[23][24] Noong 1918, ito ang naging pangalan ng bansang Estonya.
Hanggang mga 1920, isinusulat ang pangalang ito sawikang Ingles bilangEsthonia.[17]
Matatagpuan ang Estonya sa silangang baybayin ngDagat Baltiko. Katapat sa parehong latitud sa Kanlurang Europa ng Estonya, na nasa baybayin ng Dagat Baltiko, ang Gitnang-Suwaesya at ang hilagang dulo ngEskosya. SaHilagang Amerika, ang gitnang latitud ng Estonya ay tumatama saTangway ng Labrador at sa katimugang baybayin ngAlaska.
Ang pinakanakanluraning punto sa kontinente ng Estonya ay nasadalampasigan ng Ramsi. Ang pinakanakanluraning isla ng Estonya ay angNootamaa. Ang pinakanasilangang punto ay ang lungsod ngNarva.[17][21][22][23]