AngEspiritu Santo[1] (literal naBanal na Hininga oBanal na Hangin) oBanal na Ispirito[2] ay isa sa tatlong persona ngDiyos, na kabilang sa tinatawag naBanal na Santatlo[1] saKristiyanismongNiseno. SaLumang Tipan ngBibliya, sinasabing masigla ang Espiritu Santo sapaglikha ng daigdig. Pinuno rin ng Espiritu Santo ng mga kapangyarihan ang piling mgatao sa loob ng mga natatanging panahon. Ito ang espiritung kumilos upang makapag-akda ng mga aklat o kasulatan ang mga manunulat saBanal na Kasulatan. SaKristiyanismo, sinasabing nang dahil sa pagkamatay at sa muling pagkabuhay niHesus, nabubuhay na sa ngayon ang Espiritu Santo sa lahat ng mga mamamayan ng Diyos. Siya ang nagiging sanhi ng pagiging bago ng mga tao, at siya ring nagtuturo at nagbibigay sa sangkatauhan ng kalayaan sa pagkakaroon ng bagong buhay.[3] Kung kailangan ng tao ng pagliliwanag ng isipan, sa Espiritu Santo ito hinihiling.[1]
SaHudaismo, ang Banal na Ispirito ay isang puwersang dibino, katangian at impluwensiya ng Diyo sauniberso o sa kanyang mga nilalang. SaIslam, umaakto ang Espiritu Santo bilang ahente ng aksyon o komunikasyong dibino. SaPananampalatayang Bahá'í, ang Banal na Espiriu ang intermediyaryo sa pagitan ng Diyos at tao at "ang pagbubuhos ng grasya ng Diyo at ang makinang na mga sinag na nagmula sa Kanyang Pagpapakita".[4]
Ang pariralangwikang Hebreo naruach ha-kodesh (Hebreo: רוח הקודש, "espiritu santo" na transliterasyon din angruaḥ ha-qodesh) ay ginagamit saBibliyang Hebreo at mga kasulatang Hudyo upang tukuyin ang espiritu niYHWH (רוח יהוה).[5] Ang mga katawagang Hebreo naruacḥ qodshəka, "iyong espiritu santo" (רוּחַ קָדְשְׁךָ), atruacḥ qodshō, "kanyang espiritu santo" (רוּחַ קָדְשׁוֹ), ay mayroon din (kapag ang paaring hulapi ay dinagdag, ang tiyak na artikulongha ay tinanggal).
Pangkalahatang tumutukoy ang Banal na Ispirito sa Hudaismo sa aspetong dibino ng propesiya at karunungan. Tumutukoy din ito sa puwersang dibino, katangian, at impluwensiya ng Kataas-taasang Diyos, sasansinukob o sa kanyang mga nilalang, sa binagay na mga konteksto.[6]
Sa mayorya ng mgaKristiyano, ang Banal na Ispirito ay ang ikatlong[7] persona ngSantatlo: Ang "Trinong Diyos" na ipinamalas bilangAma,Anak, at Espiritu Santo; na bawat Persona ay Diyos.[8][9][10] Dalawang simbolo mula sa kanonikongBagong Tipan ang nakakabit sa Espiritu Santo saikonograpiyang Kristiyano: isang may pakpak nakalapati at mga dila ng apoy.[11][12] Lumitaw ang bawat paglalarawan ng Espiritu Santo mula sa iba't ibang mga salaysay saMabuting Balita; ang una dito ay sa bautismo niJesus saIlog Jordan kung saan sinasabing bumaba ang Espiritu Santo sa anyong kalapati bilang tinig ng Diyos Ama ang nagsalita ayon sa paglalarawan saMateo,Marcos, atLucas;[11] ang ikalawa paglalarawan ay mula sa araw ngPentecostes, limampung araw pagkatapos ngPaskuwa kung saan bumaba ang Espiritu Santo sa mgaApostol at ibang tagasunod niJesucristo, bilang mga dila ng apoy ayon sa paglalarawan ngMga Gawa ng mga Apostol,[13] sa pangako ni Jesus sa kanyang pamamaalam.[14][15] Tinatawag na "lantad naepipanya ng Diyos",[16] ang Banal na Ispirito ay ang Isa na nagbibigay sa mga tagasunod ni Jesus ng mga kaloob espirituwal[17][18] at kapangyarihan[19][20] na nagbibigay-daan sa pagpapahayag kay Jesucristo, at ang kapangyarihan na nagdudulot ng pananalig sa pananampalataya.[21]
Ang Banal na Ispirito (Arabe: روح القدسRuh al-Qudus, "ang Espiritu ng Kabanalan") ay binabanggit ng apat na beses saQur'an,[22] kung saan umaakto ito bilang ahente ng aksyon o komunikasyong dibino. Pangkalahang naalinsunod ang interpretasyongMuslim ng Banal na Ispirito sa ibang interpreyasyon batay sa Luma at Bagong Tipan. Sa batay ng kuwento sa ilangHadith, kinikilala ng ilang Muslim na ito ang anghel na siGabriel (Arabe:Jibrāʾīl).[23] Ang Espiritu (الروحal-Ruh, na wala angpang-uring "banal" o "dinakila") ay sinasalarawan, bukod sa iba pang mga bagay, bilang ang malikhaing espiritu mula sa Diyos na binuhay si Adan, at naging inspirasyon sa iba't ibang paraan ng mga mensahero at propeta, kabilang si Jesus,Abraham. Ang paniniwala sa "Santatlo", ayon sa Qur'an, ay pinagbabawal at itinuturing kapalastanganan. Nailalapat din ang parehong pagbabawal sa kahit anumang ideya ng duwalidad ng Diyos (Allah).[24][25]
Mayroon angPananampalatayang Bahá'í ng konseptongPinakadakilang Espiritu, na nakikita bilang kasaganaan ng Diyos.[26] Kadalasan itong ginagamit upang isalarawan ang pagbaba ng Espiritu ng Diyos sa mga mensahero/propeta ng Diyos na kabilang, bukod sa iba pa, sina Jesus,Muhammad atBahá'u'lláh.[27]
Sa paniniwalang Baháʼí, isang padaluyan ang Espiritu Santo kung saan sa pamamagitan nito ang karunungan ng Diyos ay nagiging direktang naikakabit sa kanyang mensahero, at naisalarawan ito sa iba't ibang mga relihiyon tulad ng nag-aapoy na mababang punongkahoy kayMoises, ang banal na apoy kayZoroastro, ang kalapati kay Jesus, ang anghel Gabriel kay Muhammad at ang Katuwang ng Langit (Maid of Heaven) kay Bahá'u'lláh (tagapagtatag ng Pananampalatayang Baháʼí).[28] Tinatanggihan sa pananaw ng Baháʼí ang ideya na ang Banal na Espiritu ang isang kasama sa Diyos sa pagka-Diyos, suabalit sa halip, ay ang purong diwa ng katangian ng Diyos.[29]
↑The Committee on Bible Translation (1984)."Holy Spirit, Dictionary/Concordance, pahina B1".The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
↑Erickson, Millard J. (1992).Introducing Christian Doctrine (sa wikang Ingles). Baker Book House. p. 103.
↑Hammond, T. C. (1968). Wright, David F. (pat.).In Understanding be Men: A Handbook of Christian Doctrine (sa wikang Ingles) (ika-6 (na) edisyon). Inter-Varsity Press. pp. 54–56, 128–131.
↑Grudem, Wayne A. (1994).Systematic Theology: An Introduction to Biblical Doctrine. Leicester, England: Inter-Varsity Press; Grand Rapids, MI: Zondervan. p. 226. (sa Ingles)
↑Williams, Charles (1950).The descent of the Dove : a short history of the Holy Spirit in the church (sa wikang Ingles). London: Faber.
↑Kasemann, Ernst (1960).The Beginnings of Christian Theology [W.J. Montague, New Testament Questions of Today] (sa wikang Ingles). Philadelphia: Fortress.ISBN978-1-316-61990-2.