SiErnst Heinrich Philipp August Haeckel (Pebrero 16, 1834 – Agosto 9, 1919),[1] ay isang biologongAleman, naturalista, pilosopo, doktor na medikal, propesor at artist na nakatuklas, naglarawan at nagpangalan ng mga libo libongspecies at nagmapa ng isang punonghenealohikal na naguugnay sa lahat ng mga anyo ng buhay. Kanya ring inimbento ang maraming mga salita sabiyolohiya kabilang anganthropogeny,ecology,phylum,phylogeny,stem cell atProtista. Kanya ring itinaguyod at pinasikat ang mga akda niCharles Darwin saAlemanya. Kanyang binuo ang kontrobersiyal nateoriyang rekapitulasyon ("ontogeny recapitulates phylogeny") na ang pag-unlad na biyolohika ng indibidwal na organismo oontoheniya ay tumutugma at nagbubuod sa pag-unlad naebolusyonaryo nito opiloheniya.