Si Erato ang Musa ng panulaang liriko, natatangi na ng panulaan ng pag-ibig at erotiko.[2] Sahimnong Orpiko para sa mga Musa, si Erato ang nakakaakit ng paningin. Magmula saRenasimyento, madalas siyang ipinapakita na mayroong isang korona ngMyrtus communis (mirto) at nga mgarosas, na may hawak nakudyapi, o isang maliit nakithara, isang instrumentong pangmusika na inimbento niApollo o niya mismo[kailangan ng sanggunian]. Sa mga representasyon (mga ilustrasyon) niSimon Vouet, mayroong dalawang mga ibongtukmol na nanginginain ng mga butil sa may paanan niya. Ang ibang mga paglalarawan ay maaaring magpakita na siya ay nagtatangan ng isang ginintuang palaso, na nagpapaalala sa isang tao ng "eros", ang damdamin na napapadama niya sa lahat ng mga tao, at kung minsan siya ay nasa piling ng diyos na si Eros, na may hawak na isangsulo.
Binanggit ang pangalan ni Erato na kapiling ang iba pang mga musa saTeogoniya niHesiod. Tinatawag din siya sa pagdarasal sa simula ng isang nawalang tula, angRhadine (Ῥαδινή), na tinukoy at maiksing sinipi niStrabo.[3] Ang kuwento ng pag-ibig ni Rhadine ay nagpalagay na ang kaniyang libingan na nasa pulo ngSamos ay isang pook ng pilgrimahe para sa mga nag-iibigan na ginagambala o pinapakialaman ng mga puwersang panlabas noong panahon niPausanias[4] at muling nakaugnay si Erato sa pagmamahalan sa loob ngPhaedrus niPlato;[5] gayunpaman, kahit na noong ika-3 daantaon BCE ay isinulat ni Apollonius na ang mga Musa ay hindi pa gaanong naaugnay sa tiyak na mga uri ng panulaan.[6]
Tinatawag sa panalangin si Erato sa simula ng ika-7 aklat ngAeneid niVirgil, na nagbibigay ng tanda sa ikalawang hati ng seksiyong 'Iliadiko' ng tulad: siCalliope (epiko), kahit na siMelpomene (trahedya) o siClio (kasaysayan) ay tila mas naaangkop. Ang pagpili na ito ay maaaring magpahayag ng pag-ibig ni Virgil sa kaniyang tinubuan o pinagmulang lupain, subalit sa anumang kaso ay nagpapakit ng pangangailangan para sa isang bagong puwersang malikhain sa pagbabagong ito sa kapupuntahan ng tula.
↑SaGeography 8.3.20; ang atribusyon ni Strabo ng tula kayStesichorus ay pinabulaanan ni H. J. Rose, "Stesichoros and the Rhadine-Fragment",The Classical Quarterly26.2 (Abril 1932), pp. 88-92.