AngPagpapakita ng PanginoonoEpipanya (Ingles:Epiphany, (Griyegong Koine: ἐπιφάνεια,epiphaneia, "manipestasyon", "kagila-gilalas na kaanyuan"[1]) oTeopanya (Ingles:Theophany),[2] (Sinaunang Griyego (ἡ) Θεοφάνεια,Τheophaneia) na may ibig sabihing "pagkatanaw sa Diyos",[3] na pangtradisyong bumabagsak tuwing Enero 6, ay isangKristiyanongaraw ng kapistahan na nagdiriwang ng rebelasyon ngDiyos Anak bilang isangtao sa katauhan niHesukristo. Pangunahing (subalit hindi lamang ito) inaalala ng mga KristiyanongKanluranin ang pagdalaw ngPambibliyang Mago saSanggol na Hesus, kung kaya't ang manipestasyong pisikal o pagkakatawang-tao ni Hesus sa mgaHentil. Inaalala ng mgaKristiyanong Silanganin angpagbibinyag kay Hesus saIlog ng Hordan, na tinatanaw bilang manipestasyon ni Hesus sa daigdig bilangAnak ng Diyos.[4]
Sa payak na mga pananalita, angEpipanya ay isang paglitaw o pagsipot,[5] pagpapakita; o dili kaya ay isang pagpapahayag ng kabanalan, at pangyayaring ispirituwal kung saan ang katuturan ng isang bagay ay ipinakikita sa isang tao.[6] Ito rin ay nakikilala bilang kapistahan ngTatlong Haring Mago tuwing Enero 6.[5][6]