AngEoseno (Ingles:Eocene na may simbolong EO[1]) na isang epoch na tumagal nang mga 56 hanggang 34 milyong taon ang nakalilipas(55.8±0.2 hanggang33.9±0.1 Ma) ay isang pangunahing dibisyon ngiskala ng panahong heolohika at ikalawang epoch ng panahongPaleohene ng Era naCenozoic. Ang Eoseno ay sumasaklaw ng panahon mula sa wakas ng epoch naPaleoseno hanggang sa simula ng epoch naOligoseno. Ang simula ng Eoseno ay minamarkahan ng paglitaw ng unang mga modernongmamalya. Ang huli ay itinakda sa isang pangunahingpangyayaring ekstinksiyon na tinatatawag naGrande Coupure (the "Great Break" in continuity) o o angpangyayaring ekstinksiyong Eoseno-Oligoseno na maaaring nauugnay sa pagbangga ng isa o higit pang malaking mgabolide saSiberia at sa ngayongChesapeake Bay. Gaya ng ibang mga panahong heolohiko, angstrata na naglalarawan ng simula at wakas ng epoch na ito ay mahusay na natukoy[2] bagaman ang eksaktong mga petsa ay katamtamang hindi matiyak. Ang pangalangEocene ay nagmula sa Sinaunang Griyegongἠώς (eos,bukang liwayway) atκαινός (kainos, bago) at tumutukoy sa bukang liwayway ng moderno o bagongfauna namamalyan na lumitaw sa epoch na ito.