Kidlat, isang elektrikong pagkasira ng hangin sa pamamagitan ng malakas na elektrikong kampo at isa itong daloy ng enerhiya. Napapalitan angelektrikong potensiyal na enerhiya sa init, liwanag at tunog, na mga ibang anyo ng enerhiya.
Sapisika, angenerhiya (mula saGriyegoἐνέργεια -energeia, "aktibidad, operasyon", mula saἐνεργός -energos, "aktibo, gumagana"[1]) olakas ay isang eskalar na pisikal na dami na naglalarawan ng halaga ng gawa na maaaring gawin sa pamamagitan ngpuwersa. Katangian ng mga bagay at kaparaanan ang enerhiya na nasasaklaw ng batas ng pangangalaga (law of conservation). May ilang iba't ibang anyo ng enerhiya na kayang magpaliwanag sa mga kilalang likas na pangyayari. Kabilang (ngunit hindi limitado) sa mga anyo ng enerhiya ang enerhiyang kinetiko, potensiyal, init,grabitasyonal, tunog,liwanag, nababanat, at elektromagnetiko. Kadalasang binibigyan ng pangalan ang uri sa kaugnay na puwersa nito.