Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Emperador ng Alemanya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

AngEmperador ng Alemanya (Aleman:DeutscherKaiser,pagbigkas [ˌdɔɪ̯t͡ʃɐ ˈkaɪ̯zɐ]  (pakinggan)) ay ang opisyal na titulo ngpinuno ng estado atnamamanang pinuno ngImperyong Aleman. Isang partikular na piniling termino, ito ay ipinakilala sa Enero 1, 1871 na konstitusyon at tumagal hanggang sa opisyal napagbibitiw ni Guillermo II noong Nobyembre 9, 1918.[1] AngBanal na Romanong Emperador ay tinatawag ding "Aleman na Emperador" kapag malinaw ang historikal na konteksto, na hango sa opisyal na pangalan ng Banal naImperyong Romano na "Banal na Imperyong Romano ng Bansang Aleman" mula 1512.

Kasunod ngrebolusyong 1918, ang pinuno ng estado ay angpangulo ng Reich (Aleman:Reichspräsident), simula kayFriedrich Ebert.

Imperyong Aleman (1848–49)

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sa pagtatapos ng mgarebolusyon noong 1848 at sa panahon ngImperyong Aleman (1848–49), si HaringFederico Guillermo IV ng Prusya ay inalok ng titulong "Emperador ng mga Aleman" (Aleman:Kaiser der Deutschen) ngParlamento ng Francfort noong 1849, ngunit tinanggihan ito bilang "hindi ang Parlamento ang magbigay". Naniniwala si Federico Guillermo na ang mga prinsipe ng Aleman lamang ang may karapatang gumawa ng ganoong alok, alinsunod sa mga tradisyon ngBanal na Imperyong Romano.

Pagkalikha

[baguhin |baguhin ang wikitext]
SiGuillermo I ay idineklarang Emperador ng Alemanya saBulwagan ng mga Salamin saBersalyes, Pransiya (pinta niAnton von Werner)

Ang titulo ay maingat na pinili niOtto von Bismarck,Ministro Pangulo ng Prusya atKansilyer ngKonfederasyong Hilagang Aleman, pagkatapos ng talakayan na nagpatuloy hanggang sa proklamasyon ni HaringGuillermo I ngPrussia bilang emperador saPalasyo ng Bersalyes sa panahon ngPagkubkob sa Paris. May pag-aalinlangang tinanggap ni Wilhelm ang titulong ito noong Enero 18, na pinili ang "Emperador ng Alemanya" (Aleman:Kaiser von Deutschland). Gayunpaman, iyon ay magiging hudyat ng soberanya ng teritoryo na hindi katanggap-tanggap sa mga monarko ng Timog Alemanya, gayundin ng pag-angkin sa mga lupain sa labas ng kaniyang kaharian (Austria,Suwisa,Luxemburgo, atbp.).[2][3]

Mga buong pamagat

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang mga Emperador ng Alemanya ay may malawak na talaan ng mga titulo at pag-aangkin na nagpapakita ng heograpikal na kalawakan at pagkakaiba-iba ng mga lupaing pinamumunuan ngKapulungan ng Hohenzollern.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Statement of Abdication of Wilhelm II
  2. William Dawson (14 July 2017).History of the German Empire. Merkaba Press. p. 355.[patay na link]
  3. Ernst Rudolf Huber:Deutsche Verfassungsgeschichte seit 1789. Band III: Bismarck und das Reich. 3rd edition,W. Kohlhammer, Stuttgart 1988, p. 750-753.

 

Mga panlabas na link

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Padron:German monarchs

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Emperador_ng_Alemanya&oldid=2003249"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp