Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Emperador Meiji

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Emperador Meiji
明治天皇
Emperador of Japan
PanahonPebrero 3, 1867 –
Hulyo 29, 1912
HaponSetyembre 12, 1868
SinundanKōmei
SumunodTaishō
MgaShogunTokugawa Yoshinobu
Mga Punong Ministro
AsawaMasako Ichijō
AnakYoshihito, Emperador Taishō
Masako, Prinsesa Tsune
Fusako, Prinsesa Kane
Nobuko, Prinsesa Fumi
Toshiko, Prinsesa Yasu
Buong pangalan
Mutsuhito (睦仁)
LaladImperyal na Bahay ng Hapon
AmaEmperador Kōmei
InaNakayama Yoshiko
Kapanganakan3 Nobyembre 1852(1852-11-03)
Kyoto,Pyudal na Hapon
Kamatayan30 Hulyo 1912(1912-07-30) (edad 59)
Tokyo,Imperyong Hapones
LibinganSetyembre 13, 1912
Fushimi Momoyama no Misasagi (伏見桃山陵), Kyoto
Lagda
PananampalatayaShinto

SiEmperador Meiji (明治天皇, Meiji-tennō, Nobyembre 3, 1852 – Hulyo 30, 1912), oMeiji ang Dakila (明治大帝, Meiji-taitei), ay 1ka-122 Emperador ng Hapon ayon sa tradisyunal na kaayusan ng pagsunod, at namahala mula Pebrero 3, 1867 hanggang sa kanyang kamatayan noong Hulyo 30, 1912. Nung siya ay namatay kinalala ang kanyang panahon ng panunungkulan batay sa pinili niyang pangalangMeiji. Ang ibig sabihin ng Meiji ayNaliwanagang Paghahari.

Sa panahon ng kapanganakan ni Mutsuhito noong 1852, ang Hapon ay isang pyudal at saradong bansa na pinamumunuan ng mga Shogun galing sa angkang Tokugawa at iba’t ibang mga daimyo. Noong pumanaw si Mutsuhito noong taong 1912, nagbago ang anyong pampolitika, panlipunan at pangkabuhayang antas ng bansang Hapon. Nagkaroon ngrebolusyong industriyal at umusbong bilang isa sa mga pangunahing bansa ng daigdig ang kanyang bansa.

Kabataan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ipinanganak siya noong 3 Nobyembre 1852. Ang kanyang ama ay si EmperadorKoumei at ang kanyang tunay na ina ay isang lady-in-waiting (‘kabit’) na siYoshiko Nakayama. Ang kanyang ina ay anak ni Panginoong Tadayasu Nakayama, isang bantayog ng angkangFujiwara at minsang nagingKaliwang Ministro (sadaijin).

Ipinanganak si Mutsuhito walong buwan bago dumating ang Amerikanong Commodore na siMatthew Perry sa Look ngEdo na nagbukas sa matagal napagsasarili ng bansang Japan.

Tinawag si Mutsuhito noong siya’y bata pa bilang Prinsipe Sachi, at gaya ng nakagawian, mga ilang araw pa lamang siyang ipinanganak ay kinupkop na kaagad siya sa bahay Nakayama saKyoto. Noong 11 Hulyo 1860, pormal siyang inampon ni Asako Nyougou (di naglaon, ang Balong EmperatrisEishou), ang pangunahing konsorte (asawa) ni EmperadorKoumei. Sa araw ding ito ay tinanggap niya ang pangalang Mutsuhito, at ang ranggong Prinsipe ng Imperyo at Prinsipeng Tagapagmana ngTrono ng Krisantemo.

Noong 3 Pebrero, umupo sa Trono si Mutsuhito at di naglaon ay pinili niya ang pangalang Meiji. Ito ang panahon na makikilala siya ng mga tao na magpapatungkol sa kanyang panahon kapag siya’y pumanaw na.

Noong 2 Setyembre 1867, pinakasalan ni Mutsuhito si Masako, ang ikatlong anak ni Panginoong Takada Ichijou, minsan naging Kaliwang Ministro. Kinilala ding Haruko itong si Masako at di naglaon noong sila’y nagsasama na tinawag siyang Emperatris Shouken. Sa loob ng ilang daang taon, siya ang kauna-unahang konsorte ng imperyo na makatanggap ng titutong kougou (asawa ng Emperador).

Bagaman si Masako ang kauna-unahang Emperatris din na nakikitang nakikisalamuha sa kanyang mga kinasasakupan, hindi siya nagsilang ng sanggol.

Si Mutsuhito ay nagkaroon ng 15 anak sa kanyang opisyal na lady-in-waiting (‘kabit’), pero Lima lang dito ang nabuhay ng matagal, nangamatay kaagad habang bata pa yung iba.

Ito ay sina:

  • Nakoronahang PrinsipeYoshihito (Prinsipe Haru), pangatlong anak na nabuhay noong 31 Agosto 1879. Umupo bilang EmperadorTaisho.
  • PrinsesaMasako (Prinsesa Tsune), ika-anim na anak na nabuhay noong 30 Setyembre 1888. Napangasawa nito si Prinsipe Tsunehisa Takeda, subalit walang mga naging supling.
  • PrinsesaFusako (Prinsesa Kane), pang-pitong anak na nabuhay noong 28 Enero 1890. Ikinasal kay Prinsipe Naruhisa Kitashirakawa. Nagkaroon ng mga supling.
  • PrinsesaNobuko (Prinsesa Fumi), pang-walong anak na nabuhay noong 7 Agosto 1891. Ikinasal kay Prinsipe Asaka Yasuhiko. May mga anak.
  • PrinsesaToshiko (Prinsesa Yasu) pang-siyam na anak na nabuhay noong 11 Mayo 1896. Ikinasal kay Prinsipe Naruhiko Higashikuni. May mga supling.

Si Emperador Meiji ang naging simbolong pinuno ngPanunumbalik ng Meiji, na kung saan tinalo ng mga pwersa ng imperyo sa Digmaang Boshin ang mga pwersa ng Shogun ng mga Tokugawa. Sa Sinumpaang Kasunduan, tinanggal angpyudalismo at iprinoklama ang bagong demokratikong gubyerno ng Japan.

Bagaman, nabuo ang parlamento, wala itong tunay na kapangyarihan gaya din ng Emperador. Naipasa mula sa mga kamay ng Tokugawa ang kapangyarihan at napunta ito sa mga daimyo at mga samurai na namuno sa Panunumbalik ng Meiji. Kinokontrol ang Japan ng mga Genro o oligarkiya, na binubuo ng mga makapangyarihang tao sa militar, politika at kabuhayan. Kung ikukumpara sa ibang mga naging Emperador, ay lumampas sa Trono ng Chrysanthemum sa higit na edad 50 mula ng nagpaubaya si EmperadorOogimachi noong taong 1586.

Ang Panunumbalik ng Meiji ay pinagmulan ng malaking karangalan ng mga Hapones, dahil sa loob lamang ng isang henerasyon ay naging isang industriyalisado at umusbong ang kanilang bansa bilang isang kapangyarihan sa Asya at sa buong mundo.

Pero marami ang nagsasabing walang naiambag dito si Mutsuhito. Wala siyang kontrol sa Japan at hindi alam kung hanggang saan ang impluwensiya niya. Hindi din sigurado kung sinuportahan niya ang Digmaan sa pagitan ng Japan at Tsina (1804–95) at Russia (1904–05). Isa lamang sa mga pananaw sa kaisipan ni Mutsuhito ay makukuha sa kanyang mga tula na merong mga linyang nagsasaad ng kapayaan. Naglalarawan ito ng isang taong mapayapa at naghahangad ng isang paraan na hindi idinadaan sa digmaan.

Sa mga huling bahagi ng buhay ni Mutsuhito, ilang mga anarkista gaya niKotoku Shusui ay sinintensiyahang mamatay dahil sa pagpaplano niyang patayin ang Emperador.

Maalamat na panahon

Jimmu · Suizei · Annei · Itoku · Kōshō · Kōan · Kōrei · Kōgen · Kaika · Sujin · Suinin · Keikō · Seimu · Chūai · Jingū

Krisantemo
Panahong Kofun

Ōjin · Nintoku · Richū · Hanzei · Ingyō · Ankō · Yūryaku · Seinei · Kenzō · Ninken · Buretsu · Keitai · Ankan · Senka

Panahong Asuka

Kimmei · Bidatsu · Yōmei · Sushun · Suiko♀ · Jomei · Kōgyoku♀ · Kōtoku · Saimei♀ · Tenji · Kōbun · Tenmu · Jitō♀ · Monmu · Genmei

Panahong Nara

Genshō♀ · Shōmu · Kōken♀ · Junnin · Shōtoku♀ · Kōnin

Panahong Heian

Kanmu · Heizei · Saga · Junna · Ninmyō · Montoku · Seiwa · Yōzei · Kōkō · Uda · Daigo · Suzaku · Murakami · Reizei · En'yū · Kazan · Ichijō · Sanjō · Go-Ichijō · Go-Suzaku · Go-Reizei · Go-Sanjō · Shirakawa · Horikawa · Toba · Sutoku · Konoe · Go-Shirakawa · Nijō · Rokujō · Takakura · Antoku · Go-Toba

Panahong Kamakura
Hilagang Korte
Panahong Muromachi
Panahong Edo
Kasalukuyang Hapon
Meiji · Taishō · Hirohito/Shōwa  · Akihito  · Naruhito(kasalukuyan)
- Emperatris
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Emperador_Meiji&oldid=2147899"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp