Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Emoji

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
AngGrinning Face (lit. Nakangiting Mukha) na emoji, mula sa Twemoji set
Emoji na idinaragdag sa isangtext, 2013

Angemoji (/ˈm/i-MOH-jee) ay isangpictograma,logograma,ideograma osmiley na nakabaon sa teksto at ginagamit sa mga elektronikong mensahe at mgawebpage. Nagpapahiwatig ang emoji ng damdamin na nawawala kapag naka-type ang usapan.[1] Kabilang sa mga halimbawa ng emoji ang 😂, 😃, 🧘🏻‍♂️, 🌍, 🌦️, 🥖, 🚗, 📱, 🎉, ❤️, ✅, and 🏁. Maraming umiiral na genre ng emoji, katulad ng mga ekspresyon ng mukha, mga karaniwang bagay, mga lugar at uri ngpanahon, at mga hayop. Kahawig nito ang mgaemoticon, ngunit mga larawan ang emoji sa halip na mgatipograpikang aproksimasyon; sa mahigpit na kahulugan, tumutukoy ang salitang "emoji" sa mga larawan na maaaring isagisag bilang mgakodipikadong karakter, ngunit tumutukoy rin ito minsan sa mgamessaging sticker kung palalawakin pa.[2] Dati nangngangahulugangpictograpiya, nagmula ang salitangemoji sa Hapones nae (, 'larawan') + moji (文字, 'karakter'); nagkataon lang na magkahawig ito sa mga salitang Ingles naemotion atemoticon.[3] Zsye angISO 15924 script code para sa emoji.

Nagmula sa mga selpong Hapones noong 1997, sumikat nang sumikat ang emoji sa buong mundo noong dekada 2010 pagkatapos idagdag sa ilang mgamobile operating system.[4][5][6] Ngayon, kinokonsidera silang malaking bahagi ngkalinangang tanyag saKanluran at sa buong mundo.[7][8] Noong 2015, pinanganlangsalita ng taon ang emojingFace with Tears of Joy oMukhang Naluluha sa Galak (😂) ngOxford Dictionaries.[9][10]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Emojis actually make our language better" [Sa totoo lang, pinapahusay ng mga emoji ang ating wika] (sa wikang Ingles). Agosto 12, 2017.
  2. Hern, Alex (6 Pebrero 2015)."Don't know the difference between emoji and emoticons? Let me explain" [Hindi alam ang pagkakaiba ng mga emoji at emoticon? Ipaliwanag ko sa iyo].The Guardian (sa wikang Ingles).
  3. Taggart, Caroline (5 Nobyembre 2015).New Words for Old: Recycling Our Language for the Modern World [Mga Bagong Salita para sa Luma: Pagreresiklo ng Ating Wika para sa Makabagong Mundo] (sa wikang Ingles). Michael O'Mara Books.ISBN 9781782434733. Nakuha noong25 Oktubre 2017 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.Kasunod ng emoticon ang Hapones na "emoji", naDIGITAL icon na ginagamit din upang ihayag ang damdamin, ngunit mas sopistikado batay sa paglalarawan kumpara sa mga nabubuo sa pagpindot ng tutuldok na sinusundan ng panaklong. Binubuo ang "emoji" ng Hapones para sa "larawan" ("e") at "karakter" ("moji"), kaya partikular na nakakatuwang koinsidensiya ang pagkakahawig nito sa emotion at emoticon.
  4. Blagdon, Jeff (4 Marso 2013)."How emoji conquered the world" [Paano nilupig ng emoji ang mundo].The Verge (sa wikang Ingles). Vox Media. Nakuha noong6 Nobyembre 2013.
  5. Sternbergh, Adam (16 Nobyembre 2014)."Smile, You're Speaking EMOJI: The fast evolution of a wordless tongue" [Ngumiti, Nagsasalita Ka ng EMOJI: Ang mabilis na ebolusyon ng wikang walang salita].New York (sa wikang Ingles).
  6. "Android – 4.4 KitKat".android.com.
  7. "How Emojis took center stage in American pop culture".NBC News. July 17, 2017.
  8. Fisher, Jonathan (2015-04-22)."Here's how people in different countries use emoji".Business Insider Australia (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 2021-04-15. Nakuha noong2021-04-15.
  9. "Oxford Dictionaries 2015 Word of the Year is an Emoji" [Emoji Ang 2015 Salita ng Taon ng Oxford Dictionaries] (sa wikang Ingles). PBS Newshour. 17 Nobyembre 2015. Nakuha noong23 Agosto 2017.
  10. Philiop Seargeant. The Emoji Revolution: How Technology is Shaping the Future of Communication [Ang Rebolusyon ng Emoji: Paano Hinuhubog ng Teknolohiya ang Kinabukasan ng Komunikasyon] (sa wikang Ingles). Cambridge, Cambridge University Press, 2019.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Emoji&oldid=2093717"
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp