Angekonomiks na pangkalusugan oekonomiks ng kalusugan (Ingles:health economics) ay isang sangay ngekonomiks na nakatuon sa mga paksang may kaugnayan sa pagkamabisa, kahusayan, halaga at ugali sa produksiyon at pagkonsumo ngkalusugan atpangangalagang pangkalusugan. Ang ekonomiks na pangkalusugan ay isang mahalagang kasangkapan para sa pagpapabuti ng impormasyon na pinagbabatayan ng mga pagpapasya hinggil sa pangangalaga ng kalusugan. Nakakatulong ito sa pagbibigay ng kabatiran at nakapagpapainam sa pagpapasiya.[1] Pinag-aaralan ng mgaekonomistang pangkalusugan ang pagtakbo ng mga sistema ng pangangalagang pangkalusugan pati na mga ugaling nakakaapekto sa kalusugan; at sinisiyasat at tinitimbang din nila ang maraming mga uri ng impormasyong pampananalapi: mga halaga o presyo, at mga gastusin o gugulin.
![]()
Ang lathalaing ito na tungkol saKalusugan atEkonomiya ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.