Ang mga tagil o piramide ng Giza, tanaw mula sa timog noong huling bahagi ngika-19 na siglo. Mula sa kaliwa: piramide ngMenkaura, piramide ngKhafra, Dakilang Piramide (niKhufu).
Ang Ehipto ang pinaka-mataongbansa saAprika at saGitnang Silangan. Nakatira ang karamihan ng mga 76 milyong katao ng Ehipto sa hindi hihigit sa isang kilometro ang layo mula sa pampang ngaIlog Nile (mga 40,000 km²), kung saan dito lamang matatagpuan ang lupangagrikultural na maaaring mapagtatamnan ng halaman. Angdisyerto ngSahara ang malalaking bahagi ng lupa nito at madalang lamang ang may nakatira. AngAgusan ng Suez ay isa sa pinakamahalagang agusan sa pandaigdig na kalakalan at may malaking ambag sa pambansang ekonomiya ng Ehipto.[2] Sa kasalukuyan, nasa urban ang karamihan ng mga taga-Ehipto, nakatira sa mga matataong lugar katulad ngCairo, ang pinakamalaking lungsod sa Aprika, atAlexandria.
Lubos na kilala ang Ehipto sa kanyangsinaunang kabihasnan at ilang sa mga nakakamanghang lumang bantayog, kabilang angMga Piramide ng Giza, ang Templo ngKarnak at angLambak ng mga Hari; naglalaman ang katimogang lungsod ngLuxor ng isang malaking bilang ng mga lumangartifact. Ngayon, malawak na itinuturing ang Ehipto bilang isang pangunahingpolitikal atkultural na sentro ng Arabo atGitnang Silangang mga rehiyon.