Absorption lines in theoptical spectrum of asupercluster of distant galaxies (right), as compared to absorption lines in the optical spectrum of the Sun (left). Arrows indicate redshift. Wavelength increases up towards the red and beyond (frequency decreases).
SiEdwin Powell Hubble (20 Nobyembre 1889 – 28 Setyembre 1953) ay isangAmerikanongastronomo. Ang mga natuklasan ni Hubble ay nakapagpabago sa pananaw na pang-agham ukol sasansinukob. Noong 1925, ipinakita niya na mayroong mgagalaksiyang lampas sa ating sariling galaksiyangDaang Magatas.[1] Gayon din, nagpaunlad siya ng isang paraan ng pag-uuri-uri ng mga galaksiya. Pagkaraan ay pinatunayan niya na ang mga galaksiya ay lumalayo magmula sa isa't isa. Natuklasan ni Hubble na ang antas ngepektong Doppler (angredshift o "pulang paglipat") magmula sa isang galaksiya ay nadaragdagan na katumbas ngproporsiyon nito sa layo nito mula saDaigdig. Ang epektong Doppler ay ang pagbabago sa tirik o kulay kapag ang isang bagay o tunog ay pumapasok (mas mataas na tirik, mas maliwanag na kulay) o lumalayo (mas mababang tarik at mas madilim). Ang pulang paglipat oredshift ay napagmamasdan saispektrum ng liwanag.
Noong 1929, isinapormula ni Hubble ang Batas sa Layo ng Pulang Paglipat (Redshift Distance Law) ng mga galaksiya, na sa pangkasalukuyan ay payak na tinatawag bilangBatas ni Hubble. Ipinapahayag ng batas na kapag mas malaki ang layo sa pagitan ng anumang dalawang mga galaksiya, mas malaki ang kanilang kaukol na tulin ng paghihiwalay. Sa ngayon, 'madaling mapansin na mga belosidad' (madaling mapansing tulin) ng mga galaksiya ay nauunawaan bilang isang pagtaas sa naaangkop na distansiya na nagaganap dahil sa paglawak ngkalawakan. Ang liwanag na naglalakbay sa lumalawak o "nababanat" na kalawakan ay nakakaranas ng isang "paglipat na pula" na nasa kauriang Hubble.[2]
Ang akdang ito ay nakatulong sa paglulunsad na ang kalawakan ay kumakalat o "nadurugtungan". Mayroong ilan na may pagkakamaling nagsabi na si Hubble ang nakatuklas ng paglipat o pagpapalit na Doppler sa ispektra ng mga galaksiya, subalit ito ay nauna nang natuklasan niVesto Slipher, at ginamit lamang ni Hubble ang dato mula sa pagkakatuklas na ito.
Ayon kay Sandage, nakagawa si Hubble ng apat na pangunahing mga bagay:[2]
Isang sistema ng klasipikasyon ng mganebula, na kapwa galaktika (pakalat) at ekstragalaktika (kapwa mga nebulang nasa loob ng galaksiyangDaang Magatas, at iba pang mga galaksiyang nasa labas nito).
Mapagpasyang nalunasan ni Hubble ang katanungan hinggil sa kalikasan ng mga galaksiya (bilang ibang mga bagay na katulad ng Daang Magatas).
Ang pagkakamudmod ng mga galaksiya ay natuklasang homoheneoso o magkakatulad sa layo (laganap ang mga galaksiya sa buong sansinukob, hindi nasa anumang partikular na mga lokasyon).
Nailunsad ang ugnayan ng pagguhit na tulin-distansiya. Ang pagkakatuklas na ito ay humantong sa paniniwala hinggil sa sansinukob na lumalaki na pirasong panggitna sa kosmolohiya ng pangkasalukuyang kapanahunan.