Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Dugo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Angdugo ay isang natatanging pluwido biyolohikal na kinalalamnan ngselula ng pulang dugo (Ingles:red blood cell oRBC oerythrocyte), ngselula ng puting dugo (Ingles:leukocyte) at ngplatito (Ingles:thrombocyte oplatelet) na nakalutang sa masalimuot na pluwido kilala sa tawag naplasma ng dugo. Ang plasma ang likidong bahagi ng dugo, kung saan nakalutang ang mga selula ng dugo. Binubuo nito ang may 55 bahagdan ng kabuuang bulumen ng dugo.

Ang mga selula ng pulang dugo ang may pinakamaraming bilang. Naglalaman ito nghemoglobin na siyang nagbibigay ng pulang kulay sa kaniyang sarili. Ang bahaging heme ng hemoglobin, naglalaman ngyero, ang nag-uudyok sa pagdadala ngoksiheno atkarbong dioksido na kapwa sadyang patungo sa hemoglobin sa pamamagitan ng mapiling pagbigkis sa mga hanging ito at sadyang nagpapataas ng pagkakatunaw nila sa dugo. Tumutulong ang mga selula ng puting dugo sa pagsasanggalang ng mga impeksiyon, at mahalaga ang mga platito sapagpapatuyo ng dugo.

Dinadala ang dugo sa palibot ng katawan sa pamamagitan ng mgasisidlan ng mga dugo dahil sa pagbobomba ngpuso. Ibinubuga ang dugo mula sa malakas na kaliwangbentrikulo ng puso sa pamamagitan ng mgamalalaking ugat patungo sa mga panlabas natisyu at nagbabalik sa kanangatrium ng puso sa pamamagitan ng mgamaliliit na ugat na pambaga. Papasok naman ngayon ang dugo sa kanang bentrikulo at padadaluyin papasok sa kaliwang bentrikulo upang mapaikot muli. Ang dugong arteryal ang siyang nagdadala ng oksihendo mula sa nalanghap na hangin sa loob ng mga baga patungo sa lahat ng mga selula ng katawan, samantalang ang dugo mula sa mga bena ang may dala ng karbong dioksido (na nalikha bilang mga produktong dumi ngmetabolismo ng mga selula) patungo sa mga baga para ibuga palabas.

Karaniwan, sa wikang Ingles ngEstados Unidos, na ang mga salitang may kaugnayan sa dugo ay nagsisimula sahemo- ohemato- (nasusulat sa wikang Ingles ngDakilang Britanya bilang:haemo- athaemato-), at mula sa salitanghaima ngwikang Griyego, na ang kahulugan ay "dugo". Sa larangan nganatomiya, ang dugo ay itinuturing na isangtisyung pang-ugpong dahil kapwa sa pinagmulan nito sa loob ng buto at maging sa kaniyang tungkulin.

Sa relihiyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Lumilitaw ang salitangdugo sa mahigit sa 350 iba't ibang mga taludtod na nasa pahina ngBibliya. Lumilitaw rin ito ng mahigit sa 400 ulit sa kabuoang bilang.[1]

Sa pananampalataya, nagsisilbing sagisag ang dugo at kumakatawan sa buhay ng isang nilalang. Ang dugo ang pinakagkukunan ng sigla ng isang nilikha.[2] Kaugnay nito, ayon sa paliwanag niJose Abriol, noong unang panahon ang dugo ay itinuturing na sagisag at luklukan ng buhay, at ang Diyos lamang ang Panginoon ng buhay kaya't ang sinumang kumitil ng buhay ay hihingan ng sulit o katumbas ng Diyos; ito ang dahilan kung bakit ipinagbabawal ang pagkain ng laman na may kasama o bahid ng dugo. Katulad ng nababanggit saHenesis 9:4 (Lamang ay huwag kayong kakain ng lamang may buhay, alalaong baga, ng dugo.) atLebitiko 17, 11 (... ang dugo... ang pinakaluklukan ng buhay...).[3]

Kumakatawan ang dugo sa dalawang mga payak na bahagi ng paniniwalangHudyo: una, sasakripisyo at pangalawa, sabuhay. Sa tradisyon ngHudaismo, sinaunang paraan ng pagbabayad-sala ang pag-aalay ng dugo ng inihahaing mga hayop. Sa Kristiyanismo, itinuturong mamamatay ang pisikal na katawan ng tao kung walang dugo, at mamamatay rin ang espiritu kung wala anggrasya ng dugo niHesus.[1]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.1Paliwanag na nasaThe Body and Blood of Christ. (Hebrews 9:11-15), Sunday, June 14, Meditations, June 2009,The Word Among Us, Daily Meditations for Catholics, pahina 34.
  2. The Committee on Bible Translation (1984)."Blood, Dictionary/Concordance, pahina B1".The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
  3. Abriol, Jose C. (2000). "Dugo".Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay)ISBN9715901077., pahina 21 at 175.
Tingnan ang katumbas na artikulo saWikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Dugo&oldid=2083716"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp