Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Dragon Ball

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

AngDragon Ball (Hapones: ドラゴンボール, Hepburn: Doragon Bōru) ay isang pantasyang seryengmanga atanime mula sa bansangHapon. Isa itong prangkisang midya na ginawa ni Akira Toriyama at nailathala ng baha-bahagi sa Weekly Shōnen Jump mula 1984 hanggang 1995, na may 519 na indibiduwal na mga kabanata na nailathala sa 42 na bolyum natankōbon ng Shueisha. Naging inspirasyon ngDragon Ball noong una ang klasikongnobelangTsino naJourney to the West.[1][2]

AngDragon Ball ay isa sa pinakamataas na dalawampung pinakamabentang prangkisa ng midya sa lahat ng panahon, na nakaipon ng higit sa$20 bilyon sa kabuuang kita ng prangkisa noong 2018.[3]

Balangkas

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sinusundan ng serye ang pakikipagsapalaran ng bidang siSon Goku, mula sa kanyang pagkabata hanggang sa kanyang pagtanda habangnagsasanay siya sasining pandigma. Lumaki siya na malayo sakabihasnan hanggang nakilala niya ang isang kabataang nagngangalang Bulma, na hinimok siyang sumama sa kanya para sa isangpakikipagsapalaran sa paggalugad ng sanlibutan para hanapin ang pitong globo na kilala din sa tawag na mga Dragon Ball, na tinatawag ang mgadragon na nagkakaloob ng kahilingan kapag nakolekta. Sa kanilang paglalakbay, nagkaroon ng ilang mga kaibigan si Goku, naging pamilyado, natuklasan ang kanyang pagigingalien, at mga paglaban sa iba't ibang mga kontrabida, na karamihan sa kanila ay hinahanap din ang mga Dragon Ball.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Wiedemann, Julius (September 25, 2004). "Akira Toriyama". Sa Amano Masanao (pat.).Manga Design (sa wikang Ingles). Taschen. p. 372.ISBN 3-8228-2591-3.
  2. Clements, Jonathan; Helen McCarthy (September 1, 2001).The Anime Encyclopedia: A Guide to Japanese Animation Since 1917 (sa wikang Ingles) (ika-1st (na) edisyon). Berkeley, California: Stone Bridge Press. pp. 101–102.ISBN 1-880656-64-7.OCLC 47255331.
  3. Johnson, G. Allen (Enero 16, 2019)."'Dragon Ball Super: Broly,' 20th film of anime empire, opens in Bay Area".San Francisco Chronicle (sa wikang Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 16, 2019. Nakuha noongEnero 23, 2019.
Portal iconPortada ng Anime at Manga
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Dragon_Ball&oldid=2084530"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp