Dopamina Mga pangalan Pangalang IUPAC4-(2-aminoethyl)benzene-1,2-diol
Mga ibang pangalan2-(3,4-dihydroxyphenyl)ethylamine; 3,4-dihydroxyphenethylamine; 3-hydroxytyramine; DA; Intropin; Revivan; Oxytyramine
Mga pangkilala ChEBI ChEMBL ChemSpider DrugBank Infocard ng ECHA 100.000.101 KEGG UNII InChI=1S/C8H11NO2/c9-4-3-6-1-2-7(10)8(11)5-6/h1-2,5,10-11H,3-4,9H2
Y Key: VYFYYTLLBUKUHU-UHFFFAOYSA-N
Y InChI=1/C8H11NO2/c9-4-3-6-1-2-7(10)8(11)5-6/h1-2,5,10-11H,3-4,9H2
Key: VYFYYTLLBUKUHU-UHFFFAOYAA
Mga pag-aaring katangian C8 H11 NO2 Bigat ng molar 153.18 g/mol Densidad 1.26 g/cm3 Puntong natutunaw 128 °C (262 °F; 401 K) Puntong kumukulo decomposes Solubilidad sa tubig
60.0 g/100 ml Maliban kung saan nabanggit, binigay ang datos para sa mga materyales sa kanilang estadong pamantayan (sa 25 °C [77 °F], 100 kPa).
Angdopamino (Ingles:dopamine ) ay isangcatecholaminikong neurotransmitter na umiiral sa malawak na uri ng mgahayop kabilang ang mgabertebrado atinbertebrado . Sautak , ang hinalilingphenethylamine na ito ay nagsisilbingneurotransmitter na nagpapagana(activate) ng limang alam na uri ng mgareseptor ng dopamino naD1 ,D2 ,D3 ,D4 , atD5 —at mgabarianto (uri) nito. Ang dopamino ay nalilikha sa ilang mga area ng utak kabilang angsubstantia nigra atbentral tegmental area . Ang dopamino ay isa ringneurohormone na inilalabas nghypothalamus . Ang pangunahing tungkulin nito bilang isanghormone ay pigilan ang paglabas ngprolactin mula sa anterior na lobo(lobe) ngglandong pituitaryo .
Ang dopamino ay makukuha bilang isangintrabeniyosong medikasyon na umaasal sasimpatetikong sistemang nerbiyos na lumilikha ng mga epekto gaya ng pagbilis ng pulso ngpuso gayundin angpresyur ng dugo . Gayunpaman, dahil ang dopamino ay hindi maaaring makatawid saharang na dugo-utak , ang dopaminong ibinibigay na droga ay hindi direktang umaapekto sa sentral na sistemang nerbiyos. Upang dagdagan ang halaga ng dopamino sa mga utak ng mga pasyenteng may sakit gaya ngsakit na Parkinson attumutugon sa dopang dystonia , angL-DOPA (naprekursor ng dopamino) ang kalimitang ibinigay sa mga pasyente dahil ito ay makakatawid saharang na utak-dugo na relatibong madali.
Ang dopamino ay maykemikal na pormulang C6 H3 (OH)2 -CH2 -CH2 -NH2 . Angkemikal na pangalan nito ay "4-(2-aminoethyl)benzene-1,2-diol" at ang abrebiasyon nito ay "DA." Bilang isang medisinal na ahente, ang dopamino ay sine-sintesis sa pamamagitan ngdemythlasyon ng 2-(3,4-dimethoxyphenyl)ethylamine(left) gamit anghydrogen bromide .[ 1] [ 2]
Ang dopamino ay maraming mga tungkulin sautak kabilang ang mahalagang mga pepel sa pag-aasal,kognisyon , boluntaryong paggalaw,motibasyon , parusa at gantimpala, pagpipigil ngprolactin , pagtulog,mood , atensiyon,gumaganang memorya , atpagkatuto . Ang mga dopaminerhikong mganeuron o mga neuron na ang pangunahingneurotransmitter ang dopamino ay makikita ng pangunahin sabentral tegmental area nggitnangutak , sapars compacta ngsubstantia nigra at saarcuate nucles ng hypothalamus .
↑ J. S. Bayeler, Ann. Chem., 513, 196 (1934). ↑ G. Hahn, K. Stiehl, Chem. Ber., 69, 2640 (1936).