Mga donat sa isang bandeha ng mga donat sa isang caféDonat
Angdonat ay isang uri ng pritong kuwarta o masa na matamis o kinakain bilangpanghimagas. Ang donat ay popular sa maraming mga bansa at hinahanda sa iba't-ibang mga porma o hugis bilang isang matamis nameryenda na maaaring gawa sa bahay o binili sapanaderya, supermarket, mga pagkaing kuwadra, at prangkisadong espesyalidad na mga tindero.
Ang donat ay karaniwang malalim na pinirito mula sa isangharinang kuwarta, at karaniwang hugis-singsing o isang hugis na walang butas at madalas puno ng helatina, pasta o halaya, o napapatungan ng krema, at maaari ring maging hugis-bola ("donut hole"). Iba pang mga uri ngmga batter ay maaari ring gamitin, at iba't-ibang pansahog at pampalasa ay ginagamit para sa iba't-ibang mga klase, tulad ng asukal, tsokolate, o maple glazing. Ang doughnuts ay maaari ring isama ang tubig,pampaalsa, mga itlog, gatas, asukal, langis, mantika, at natural o artipisyal na lasa.
Ang dalawang pinaka-karaniwang uri ay ang singsing na donat at ang mga donat na may palaman, na kung saan ito ay inyektado sa mgapreneserbang prutas ,krema,leche flan, o iba pang mga matamis na pampalaman. Bilang kahalili, ang mga maliliit na piraso ng kuwarta ay minsan iniluluto ng maybutas. Kapag prito, ang mga donat ay maaaring magingmakintab na may nagtutumpang na bilang ng asukal, kinakalatan ng krema gaya ng tsokolate sa may itaas, o pinatungan na may asukal na pulbos, sprinkles, o prutas na may mga iba't-ibang disenyo gaya ng paikot, bola, esfera, pakulot, at matami pang iba. Ang mga donat ay may mga barayti tulad ng sapastel. Ang mga donat ay madalas na sinamahan ng kape na binili sa tindahan ng donat o fast food restawran, ngunit maaari ring ipares sagatas.