Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Djibouti

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para kabiserang lungsod, tingnan angLungsod ng Djibouti.
Republika ng Djibouti
جمهورية جيبوتي
Jumhūriyyat Jībūtī
Jamhuuriyadda Jabuuti
République de Djibouti
Watawat ng Djibouti
Watawat
Coat of arms ng Djibouti
Coat of arms
Awiting Pambansa: Djibouti
Location of Djibouti
KabiseraDjibouti
Pinakamalaking lungsodcapital
Wikang opisyalArabic andPranses
PamahalaanParliamentary democracy
• Pangulo
Ismail Omar Guelleh
Dileita Mohamed Dileita,Abdoulkader Kamil Mohamed
Kalayaan 
• Petsa
27 Hunyo 1977
Lawak
• Kabuuan
23,200 km2 (9,000 mi kuw) (ika-149)
• Katubigan (%)
0.09 (20 km² / 7.7 mi²)
Populasyon
• Pagtataya sa 2023, estimate
1,152,944
• Senso ng 2000
460,700
• Densidad
34/km2 (88.1/mi kuw) (ika-168)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2005
• Kabuuan
$1.641 billion (ika-164)
• Bawat kapita
$2,070 (ika-141)
TKP (2004)0.494
mababa · ika-148
SalapiFranc (DJF)
Sona ng orasUTC+3
• Tag-init (DST)
UTC+3 (-)
Kodigong pantelepono253
Kodigo sa ISO 3166DJ
Internet TLD.dj

AngDjibouti (bigkas: /ji•bú•ti/;Arabe:جيبوتيJībūtī,Pranses:Djibouti,Somali:Jabuuti,Afar:Gabuuti), opisyalRepublika ng Djibouti, ay isang bansa na matatagpuan saHorn of Africa. Ito ay napapaligiran ngEritrea sa hilaga,Ethiopia sa kanluran at timog, atSomalia sa timog-silangan. Ang natitirang bahagi ay napapaligiran ngDagat Pula at angGolpo ng Aden sa silangan. Ang Djibouti sumasakop ng 23,200 km2 (8,958 mi kuw).

Noong unang panahon, ang teritoryo ay bahagi ngLupain ng Punt. Ang kalapit naZeila (na ngayon ay nasaSomalia) ay ang kabesera ng medyebal na sulatanongAdal atIfat. Sa huling bahagi ng ika-19 siglo, ang mga kolonyangFrench Somaliland ay itinatag kasunod ng nga pinirmahang kasunduan (treaty) ng mga sultang Somali atAfar sa mga Pranses[1][2][3] at angriles ng tren nito na papuntangDire Dawa (sumunod ang Addis Ababa) ang naging dahilan upang masapawan ang Zeila bilang daungan saEthiopia at ngOgaden.[4] Pinangalanan itong French Territory of the Afars and the Issas (lit. Teritoryong Pranses ng mga Afar at Issa) noong 1967. Pagkatapos ng isang dekada, bumoto ang mga taga-Djibouti para sapagsasarili. Ito ang tanda ng pagkakatatag ng Republika ng Djiboutina ipinangalan sa kabiserang lungsod. Lumahok ang Djibouti sa United Nations sa taon ding iyon, noong 20 Setyembre 1977.[5][6] Sa unang bahagi ng dekada 1990, tensiyon sa representasyon sa pamahaan ay humantong saarmadong bakbakan, na nagtapos sa isang kasunduan sa pagbabahagi ng kapangyarihan ng namumunong partido at ng oposisyon noong 2000.[7]

Ang Djibouti ay isang multietnikong bansa na may populasyong higit sa 828,324. Ang Arabic atPranses ang bumubuo sa dalawang opisyal na wika ng bansa. Mga 94% ng mga residente ay tagasunod ngIslam,[7] ang relihiyong nangingibabaw sa rehiyon nang higit sa 1,000 taon. Ang SomaliIssa atAfar ang bumubuo sa dalawang pinakamalaking pangkat-etniko. Ang mga ito kapuwa nagsasalita ng mga wikang Afroasiatic, na kinikilalang mga pambansang wika.

Ang Djibouti ay estratehikong matatagpuan malapit sa mga pinakaabalang shipping lane ng daigdig, na nagkokontrol ng daanan sa Dagat Pula atKaragatang Indian. Ito ay nagsisilbi bilang pangunahing sentro ng refueling at transshipment, at ito ay ang pangunahing daungang pandagat para sa pag-import papunta at pag-export ng kalapit na Ethiopia. Ito ay isang lumalagong sentro ng kalakalan; matatagpuan sa bansa ang iba't-ibang dayuhang base militar, kabilang ang Camp Lemonnier. AngIntergovernmental Authority on Development (IGAD) na isang regional body na may punong-himpilan sa Djibouti City.[7]

Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Raph Uwechue,Africa year book and who's who, (Africa Journal Ltd.: 1977), p.209.
  2. Hugh Chisholm (ed.
  3. A Political Chronology of Africa, (Taylor & Francis), p.132.
  4. "Zaila" in theEncyclopædia Britannica 11th ed. 1911.
  5. "Today in Djibouti History". Historyorb.com. Nakuha noongApril 27, 2011.
  6. "United Nations member states". Un.org. Nakuha noong2011-04-27.
  7. 7.07.17.2"Djibouti"Naka-arkibo 2020-05-04 saWayback Machine..
Mga soberanong bansa
Dependensiyas /Di-kinikilala
1 May bahagì sa Asya. 2 Kasapi ang mga dependensiya ngPulo ng Asensiyón atTristan da Cunha.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Djibouti&oldid=2095740"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp