Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Desyerto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saDisyerto)
Ang ilang
Ang Atacama

Saheograpiya, angilang[1] odesyerto[2][3] ay isang anyo ng tanawin na hindi gaanong nauulanan. Sa pangkalahatan, nangangahulugan ang ilang bilang mga lugar na nakakatanggap ng pag-ulan na mas bababa sa 250 mm (10 dali).

Kilala ang mgailang sa napakaliit na pagtaguyod sa buhay. Maaring totoo ito kung hambingin sa mga mas basa na pook, bagaman kadalasang may mataas nasaribuhay ang ilang, kabilang ang mgahayop na nananatiling tago (lalo na kung may araw) upang mapangalagaan angpagkabasa. Mga 20% ng lupain saDaigdig ay binubuo ng ilang.

May mga ilang katangian ang mga ilang. Kadalasang binubuo ito ng mgabuhangin atmabatong ibabaw. Binubuo din ang maliit na bahagi nito ng mgabuhanging duna na tinatawag naerg at mabatong ibabaw (hamada). Karaniwan ang paglabas ng mgamabatong mga lupain, na sinasalamin ang maliit na pag-inam ng lupa at kakaunting pananim. Maaring patag na natatakluban ngasin ang mga ilalim ng lupain. May katulad na katangian ang mgamalamig na ilang ngunitniyebe ang pangunahing anyo ng presipitasyon sa halip naulan. AngAntartika ang pinakamalaking malamig na ilang (Mga 98% ang binubuong makakapal nakontinental nasapin ng yelo at 2% naman ang binubuo ng mga nakalitaw na mga bato). AngSahara ang pinakamalaking ilang na mainit. AngPandaigdigang Araw Laban sa Desertipikasyon at Tuyo ay ipinagdiriwang taon-taon tuwingika-17 ng Hunyo.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Ilang".KWF Diksiyunaryo ng Wikang Filipino. Komisyon sa Wikang Filipino. Nakuha noong22 Agosto 2025.
  2. "desyerto (lahok 1)".Diksiyonaryo.ph.
  3. "desyérto".KWF Diksiyonaryong Pilipino. Komisyon sa Wikang Filipino.
May kaugnay na midya tungkol saIlang ang Wikimedia Commons.


AghamAng lathalaing ito na tungkol saAgham ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Desyerto&oldid=2173887"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp