Ang pangalangDisyembre ay nagmula sa salitangLatin nadecem (na nangangahulugang “sampu”) sapagkat ito ang orihinal na ikasampung buwan ng taon sa kalendaryo niRomulo noong mga 750 BK, na nagsisimula sa Marso. Ang mga araw ngtaglamig pagkatapos ng Disyembre ay hindi kabilang sa anumang buwan. Kalaunan, nalikha ang mga buwang Enero at Pebrero mula sa panahong walang buwan at idinagdag sa simula ng kalendaryo, subalit napanatili ng Disyembre ang dating pangalan nito.[1][2]
SaSinaunang Roma, bilang isa sa apat naAgonalia (mga kapistahan para sa mga diyos), ginaganap tuwing Disyembre 11 ang pagdiriwang bilang parangal kay Sol Indiges (ang ginawang diyos na Araw), gayundin angSeptimontium (Pista ng Pitong Burol ng Roma). Idinaraos naman angdies natalis (araw ng kapanganakan) sa templo ni Tellus (diyosa ng lupa) tuwing Disyembre 13,Consualia (pista para kay Consus, diyos ng mga imbakan) tuwing Disyembre 15,Saturnalia (pista para kaySaturno, diyos ng agrikultura) mula Disyembre 17 hanggang 23,Opiconsivia (pista para kay Ops, diyosa ng pertilidad) tuwing Disyembre 19,Divalia (pista para kay Angerona, diyosa na tumutulong sa kalikasan at sangkatauhan upang matagumpay na malampasan ang taunang krisis ng mga araw ng taglamig) tuwing Disyembre 21,Larentalia (isang pista na iniuukol kay Acca Larentia, subalit ayon sa ilang pananaw ay para rin sa mga Lares, ang mga espiritung tagapagbantay ng tahanan) tuwing Disyembre 23, at angdies natalis niSol Invictus (araw ng kapanganakan ng Di-matatalong Araw) tuwing Disyembre 25. Hindi tumutugma ang mga petsang ito sa makabagong kalendaryong Gregoryano.
Tinutukoy ng mga Anglo-Sahon ang Disyembre–Enero bilang Ġēolamonaþ ("buwan ngYule"). Sa Kalendaryong Republikano ng Pransiya, saklaw ng Disyembre ang mga buwang Frimaire (buwan nghamog) at Nivôse (buwan ngniyebe).
Ang Disyembre ay naglalaman ng taglamig na solstisyo saHilagang Emispero, ang araw na may pinakamaikling oras ngliwanag, at ng tag-init na solstisyo saTimog Emispero, ang araw na may pinakamahabang oras ng liwanag (hindi kabilang ang mga rehiyong polar kung saan palaging wala o 24 na oras ang liwanag malapit sa solstisyo). Sa pananaw ng mga panahon, ang Disyembre sa Hilagang Emispero ay katumbas ng Hunyo sa Timog Emispero, at kabaligtaran nito. Sa Hilagang Emispero, tradisyonal na nagsisimula angastronomikal na taglamig tuwing ika-21 ng Disyembre o sa petsa ng solstisyo.
Ilan sa mga pag-ulan ngbulalakaw na nangyayari sa Disyembre ay ang:
Andromédidas (Setyembre 25 – Disyembre 6, pinakamataas ang bilang mga Nobyembre 9)
Sa tradisyong Katoliko, karaniwang minamarkahan ang Disyembre bilang ang simula ng panahon ngAdbiyento. Nakatuon din itoImmaculada Concepción o ang Kalinis-linisang Paglilihi kayBirhen Maria.
Pista ngImmaculada Concepción o ang Kalinis-linisang Paglilihi kayBirhen Maria (pampublikong pista sa ilang bansa, isang banal na araw ng obligasyon sa iba)