AngAserbayan (Aseri:Azərbaycan), opisyal naRepublika ng Aserbayan, ay bansang transkontinental sa pagitan ngSilangang Europa atKanlurang Asya. Bahagi ng Timog Kaukasya, hinahangganan ito ngDagat Kaspiyo sa silangan,Armenya atTurkiya sa kanluran,Rusya sa hilaga,Heorhiya sa hilagang-kanluran, atIran sa timog. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ayBaku.
Orihinal itong tinirhan ng kabihasnang Kawkausong Albanes (Aghvank), isang bayang Kristiyanong lokal na mayroon ng kanilang sariling alpabeto, ngunit halos nawalan ito ng bakas dahil sa Islamikong panlulupig. Sa kalaunan ay naging mayoryang-Muslim ang lugar, ngunit isa sa mga pinakasuportado sa sekularismo at pagpaparayang relihiyoso. Iprinoklama ngRepublikang Demokratiko ng Aserbayan ang kasarinlan nito mula saRepublikang Pederatibong Demokratiko ng Transkaukasya noong 1918 at naging ang kauna-unahang estadong sekular at demokratiko sa mundong Islamiko. Naipatalsik ang pamahalaan nito ng Ika-11 Hukbo ngHukbong Pula noong 1920, at pagkatapos ay naitatag angRepublikang Sosyalistang Sobyetiko ng Aserbayan bilang isa sa 15 republikang bumuo ngUnyong Sobyetiko. Nagsimula angUnang Digmaan ng Nagorno-Karabah noong 1988 sa pagitan ng mga mayoryang etnikong Armenyo sa rehiyongNagorno-Karabah at Aserbayan; nang naganap ang digmaan ay nagdeklara ng kasarinlan ang modernongRepublika ng Aserbayan noong 30 Agosto 1991 habang binuo ng mga Armenyo angRepublikang ng Artsah sa Nagorno-Karabah noong 2 Setyembre, ilang buwan bago mabuwag ang Unyong Sobyetiko. Nagtapos ang digmaan noong 1994 nang pandaigdigang kinilala ang lugar at pitong distritong nakapalibot bilang bahagi ng Aserbayan habangde factong nag-isa ang Artsah at Armenya. Muling sumibol ang mga tensyon at umumpisa angIkalawang Digmaan ng Nagorno-Karabah noong 27 Setyembre 2020. Tumagal ito hanggang 10 Nobyembre ng parehong taon, kung saan naibalik ang halos lahat ng teritoryong nakuha ng Armenya sa unang digmaan.
Ang Aserbayan isangbansang umuunlad, kung saan ika-88 ito saTalatuntunan ng Kaunlarang Pantao. Ito ay may mataas na antas ng pag-unlad saekonomiya,alpabetisasyon, at pamantayan ng pamumuhay, at may mababang antas ng omisidiyo at kawalan ng trabaho kung ikukumpara sa mga bansa sa Silangang Europa at Komonwelt ng mga Estadong Malaya. Gayunpaman, inakusahan ang naghaharingBagong Partido ng Aserbayan, na nasa kapangyarihan mula pa noong 1993 sa ilalim ng dinastiyang Aliyev, ngpamumunong awtoritaryo at pagpapalala ng talaan ngkarapatang pantao sa bansa. Kabilang sa mga paratang ay ang pagtaas ng mga paghihigpit sa kalayaang sibil, partikular sa kalayaan sa pamamahayag at pampolitikang panunupil.
Ang Aserbayan ay nahahati sa sampung rehiyong pang-ekonomika, 66 narayon (rayonlar, mag-isarayon) at 77 na lungsod (şəhərlər, mag-isaşəhər) na kung saan ang 11 ay nasa direktang pamamahala ng republika.[1] Dagdag pa rito, kasama sa Aserbayan angNagsasariling Republika (muxtar respublika) ngAwtonomong Republika ng Nakhichevan.[2]