AngDinastiyang Han (Tsino: 漢朝;Pinyin: Hàn cháo) ang pangalawang imperyal na dinastiya ngTsina (206 BK–220 AD), sumunod saDinastiyang Qin. Umiral ng mahigit na 4 na siglo, ang Dinastiyang Han ay tinagurian na unang ginintuang panahon sa kasaysayan ng Tsina. Ito ay itinatag ng pinunong rebelde na si Liu Bang, kilala pagkatapos ng pagkamatay bilang Emperador Gaozu ng Han, at sandaling naantala ngDinastiyang Xin (9-23 AD) ng pansamantalang puno na si Wang Mang. Itong hintong sandali ang naghihiwalay sa Dinastiyang Han sa dalawang kapanahunan: angKanluraning Han oDating Han (206 BK–9 AD) at angSilanganing Han oHuling Han (25–220 AD).
Ang emperador ang nasa kasukdulan ng lipunan ng Han. Siya ang namuno sa pamahalaan ng Han ngunit ang kaniyang kapangyarihan ay hati sa parehong maharlika at mga hinirang na ministro na kung saan ang karamihan ay nanggaling sa mga aral.
Ang unang imperyal na dinastiya ng Tsina ay ang Dinastiyang Qin (221-206 BK). Pinag-isa ng Qin ang Mga Naglalabanang Estado ng Tsina sa paraan ng pananakop, ngunit humina ang imperyo matapos pumanaw ang unang emperador na siQin Shi Huangdi. Sa loob ng 4 na taon, nawalan ng kapangyarihan ang dinastiya sa kalagitnaan ng paghihimagsik.[3] Dalawang dating mga rebeldeng pinuno, si Xiang Yu (d. 202 BK) ng Chu at Liu Bang (kam. 195 BK) ng Han, ay bumahagi sa isang digmaan upang magpasya kung sino ang magiging hegemon ng Tsina, na ngayon ay naghiwahiwalay sa 18 mga kaharian, bawat isa nanunumpa ng katapatan kay Xiang Yu o Liu Bang. Kahit napatunayang may kakayahang komandante si Xiang Yu, natalo siya ni Liu Bang sa Laban ng Gaixia (202 BK), sa kasalukuyangAnhui.
Naging unang emperatris si Wang Zhengjun (71 BK–13 AD), pagkatapos emperatrisdowager at sa huli, enggrandeng emperatrisdowager sa mga paghahari ng mga emperador na sina Emperador Yuan (r. 49–33 BK), Cheng (r. 33–7 BK), at Ai (r. 7–1 BK).
Ang Silanganing Han, kilala rin bilang Huling Han, opisyal na nagsimula noong ika-5 ng Agosto AD 25, noong naging emperador si Liu Xiu ng Han. Sa gitna ng malawakang paghihimagsik laban kay Wang Mang, ang estado ngGoguryeo ay naging malayang manalakay ng mga Koryanongcommanderies ng Han; hindi pinatibay ng Han ang kontrol sa rehiyon hanggang AD 30. Ang Magkakapatid na Trưng ng Vietnam nagrebelde laban sa Han noong AD 40.