Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Dilmun

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dilmun
Location of foreign lands for the Mesopotamians, includingElam,Magan, Dilmun,Marhashi andMeluhha.
KinaroroonanEastern Arabia
RehiyonNorthern Governorate
KlaseAncient
Bahagi ngEastern Arabia
Kasaysayan
Itinatagcirca late 4th millennium BC[kailangan ng sanggunian]
Nilisanc. 538 BC
KapanahunanBronze Age
Sagutan sa pagitan ninaIlī-ippašra na gobernador ng Dilmun, atEnlil-kidinni na gobernador ngNippur, ca. 1350 BCE.
Mga giba ng isang tirahan na pinaniniwalaang mula sa kabihasnang Dilmun saSar, Bahrain.

AngDilmun oTelmun (Arabiko: دلمون) ay isangkabihasnan saGolpong Persiko na binanggit ng mga kabihasnangMesopotamiano bilang kasosyo sa kalalakan, isang pinagkukunan ng metal na tanso, at entrepôt ng ruta ng kalakalang Mesopotamia tungo sa kabihasnangLambak Indus. Pinaniniwalan ng mga skolar na ang lokasyon nito ay sumasaklaw sa ngayongBahrain, Failaka, Kuwait at mga karatig na baybaying silanganing Arabiano sa Golpong Persiko(Persian Gulf). Natuklasan kamakailan na noong 2000 BCE, ang mga Mesopotamiano ay tumira sa Failaka.[1] Ang Failaka ay naglalaman ng maraming mga gusaling may istilong Mesopotamiano na tipikal na matatagpuan saIraq noong mga 2000 BCE.[1]

Ang Dilmun ay unang lumitaw sa mga tabletang Sumeryong kuneiporma na mula huli ng ikatlong milenyo BCE na natagpuan sa templo niInanna saUruk. Ang isa sa pinakamaagang mga inskripsiyon na nagbabanggit ng Dilmun ay ni haringUr-Nanshe ngLagash noong ca. 2300 BCE. Ang Dilmun ay binanggit rin sa dalawang liham noong pamumuno niBurnaburiash (c. 1370 BCE) na nakuha saNippur noong panahong Kassite ng Babilonya. Ang mga liham na ito ay mula sa opisyal ng probinsiya na sinaIlī-ippašra sa Dilmun at kanyang kaibigang siEnlil-kidinni na gobernador ng Nippur.

Mitolohiyang Mesopotamiano

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang Dilmun ang lugar samito ng paglikha ng Sumerya kung saan siZiusudra na nakaligtas sa isangmalaking baha ay dinala ng mga Diyos upang mabuhay ng walang hanggan. Ang Dilmun ay binanggit sa epikong kuwento ninaEnki atNinhursag bilang ang lugar ngpaglikha. Ang Dilmun saEnuma Elish ang lugar kung saan ang halo ng alat tubig na kinakatwan niTiamat ay nagtagpo at naghalo sa sariwang tubig naAbzu. Ang DiyosangSumeryo na siNinlil ay nakatira sa Dilmun. SaEnmerkar at ang Panginoon ng Aratta, ang mga pangunahing pangyayari na nakasentro sa pagtatayo ng mgaziggurat saUruk atEridu ay inilalarawang nangyayari sa mundo "bago pa natirhan ang Dilmun".

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.1"Traders from Ur?".Archaeology Magazine. Nakuha noong28 Agosto 2013.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Dilmun&oldid=2101762"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp