4,200 killed,[1] 2,818 wounded, several succumbed to disease[2]
about 10,000 killed,[3] (Emilio Aguinaldo estimate) 16,000–20,000 killed[4] (American estimate)
Filipino civilians: 200,000–1,000,000 died, most because of famine and disease;[4] including 150,000-200,000 dead from cholera.[5][ii]
↑There is disagreement regarding the official ending date of the conflict; seehere for further information.
↑While there are many estimates for civilian deaths, with some at around 1 million and others going well over a million for the war, modern historians generally place the death toll between 200,000 and 250,000; see "Casualties".
AngDigmaang Pilipino–Amerikano na kilala rin bilangInsureksyong Pilipino atInsurhensiyang Tagalog, ay ang armadong hidwaan sa pagitan ngUnang Republikang Pilipino at ngEstados Unidos na tumagal mula Pebrero 4, 1899 hanggang Hulyo 2, 1902. Ang naturang digmaan ay pagpapatuloy ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan na nagsimula noong 1896 sa pagsiklab ngHimagsikang Pilipino. Tinutulan ng mga Pilipino ang nakapaloob saTratado ng Paris na naglilipat ng pagmamay-ari ng Pilipinas sa Estados Unidos mula sa Espanya upang mawakasan angDigmaang Espanyol–Amerikano.
Pumutok ang labanan sa pagitan ng kilusan ng Estados Unidos at ng Republikang Pilipino noong Pebrero 4, 1899, na tinaguriangIkalawanag Labanan ng Maynila. Noong Hunyo 2, 1899, maanyong naghayag ng pakikipagdigma ang pamahalaan ng Republikang Pilipino laban sa Estados Unidos. Ipinahayag naman ng Estados Unidos ang opisyal na pagtatapós ng paghihimagsik noong Hulyo 2, 1902, bagaman may ilan pa ring pangkat ng mga mapaghimagsik na pinamumunuan ng mga datingKatipunero ang nagpatuloy ng pakikipaglaban sa mga puwersang Amerikano ng ilang pang taon. Ang ilan sa mga lider na ito ay si HeneralMacario Sakay, isang dating kasapi ng Katipunan na nanungkulang pangulo ng kanyang ipinahayag naRepublikang Katagalugan noong 1902, matapos madakip at manumpa ng katapatan sa Estados Unidos angpangulo ng Republikang Pilipino na siEmilio Aguinaldo.
Binago ng naturang digmaan ang pangkulturang mukha ng kapuluan, dahil sa pagkasawi ng tinatayang 200,000 hanggang 250,000 Pilipinong sibilyan, pagbuwag saSimbahang Katolika bilangrelihiyon ng estado, at ang pagpapakilala ngwikang Ingles bilang pangunahing wika ng pamahalaan, pag-aaral, kalakaran, pagyayari, at ng mga madunong na mag-anak at indibidwal sa mga susunod na dekada.