AngDigmaang Malamig[1] (Ingles:Cold War) ay panahon ng tensiyong politikal at tensiyong militar na naganap pagkatapos ngIkalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay nangyari mula 1945 hanggang 1991, nangyari ito dahil sa tensiyon ng kompetensiya sa Ekonomiya, ang hindi pagkakasundo ng mga politiko, at tensiyong militar, ang "digmaan" ay sa pagitan ng mga kaunlarang mga bansa kasáma angEstados Unidos at angUnyong Sobyet kasáma ang mga kaalyado nito. Pinatanyag ang katawagang "Digmaang Malamig" ng tagapayong pampolitika at tagapondo na Amerikanong siBernard Baruch[kailangan ng sanggunian] sa isang debate noong Abril 1947 tungkol saPaniniwalang Truman.
Ang paghihirap ng Digmaang Malamig ang humubog sa mga kasalukuyang pangyayari. Ito ang labanáng pandiplomatiko at pangkabuhayan at alitan sa ideolohiya at Kanlurangkapitalismo laban sakomunismo ng SilangangEuropa. Walang tuwirang alitang militar ang dalawang bansa (Amerika at Unyong Sobyet). Naging labanán ito ng ideolohiya at tinawag na Digmaang Malamig dahil walang naganap na putúkan o tuwirang komprontasyon (ang mgaproxy war ay hindi tuwiran) sa pagitan ng dalawang bansa.
Namuo ang ang Digmaan pagkatapos ngIkalawang Digmaang Pandaigdig sa pagitan ng Estados Unidos at mga kaalyado nito at sa kabiláng panig ang mga pangkat ng mga Bansa sa pamumuno ngUnyong Sobyet. Walang tuwirang alitang militar ang dalawang makapangyarihang bansa. Sa halip, umiral ang labanáng pandiplomatiko at pangkabuhayan at hidwaan tungkol sa ideolohiya at Kanlurang kapitalismo laban sa komunismo ngSilangang Europa.
Tunghayan ang balangkas ng mga pagkakaiba sa pananaw ng dalawang bansa:
Estados Unidos
Unyong Sobyet
Hayaan ang mga bansa sa Silangang Europa na maging malaya
Kontrolin ang mga bansa sa silangang Europa upang magsilbing
buffer state o proteksiyon ang bansa sa ano mang banta
Kunin ang yaman ng Alemanya bílang bayad-pinsala nito noong
digmaan at gawing mahina ang Alemanya
Demokrasya at Kapitalismo
Komunismo
Magkaroon ng kontrol sa mga yaman ng Europa
Gamiting ang yaman ng mga bansa sa Silangang Europa
upang ibangon ang ekonomiya nito
Sa simula, nakasentro ang Digmaang ito sa paggamit ng lakas-militar ng Unyong Sobyet at ang pagtatatag ng komunistang pamahalaan sa Silangang Europa. Bunsod ng epektibong paggamit ng proganda ng US at USSR ay lumaganap ang pangamba, tákot, at pagkamuhi sa daigdig. Sa Estados Unidos ay nagdulot ito ng tákot at pangamba sa marami na baká gawing komunista angKanlurang Europa pagkatapos makontrol angSilangang Europa. Tinawag itong "Red Scare" (Filipino:Tákot sa Pula). Habang sa USSR naman ay kinilala ang mga Amerikano bílang mgaracist at mararahas na tao.
Pagkatapos ng mahabang panahong pagkakaibigan, nag-away angEstados Unidos atRusya tungkol sa mga suliranin saAsya. Nagsimula ang kanilang alitan noong 1917 nang agawin ng mga komunista ang kapangyarihan at itinatag angUnyong Sobyet at nagpahayag ng digmaang ideolohikal laban sa mga kapitalistang bansa sa kanluran.
Nakialam ang Estados Unidos sa Unyong Sobyet sa pagpapadalá ng 10,000 tropa sa pagitan ng 1918 at 1920 at tumangging kilalanin ang bagongEstado hanggang noong 1933. Nagtulong ang dalawang bansa laban saAlemanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Noong ika-4 hanggang 11 Pebrero 1945, nagpulong sina PangulongFranklin D. Roosevelt ng Estados Unidos, Púnong MinistroWinston Churchill ngBritanya atJoseph Stalin ngUSSR sa dating palasyo niCzar Nicholas II saCrimea sa timog dalampasigan ngDagat Itim upang pag-usapan ang kapalaran ng daigdig.
Napagkasunduan na mananatili ang impluwensiya ng USSR sa mga pook na sinakop ngHukbong Pula sa Silangang Europa. Bukod doon, mahahati ang Alemanya sa apat na sona na nasa pangangasiwa ng Britanya, Estados Unidos at Pransiya sa kanluran at ang Unyong Sobyet sa silangan. Hinati rin angBerlin na nasa loob ng sona ng Soviet sa ganitong paraan.
Nakakapangyari ang Komunismo sa mga pangangasiwa saSilangang Alemanya,Rumanya,Bulgarya,Poland,Czechoslovakia,Hungary, atAlbanya. Naging komunista na rin ang pamahalaan ngYugoslavia. Subalit tiniwalag ito niStalin noong 1948. Sa bagong Silangang Europa, pinigilan ang lahat ng kontra sa komunismo at nabawasan ang maraming kalayaang tinatamasa ng mgamamamayan. Dito nahati ang Europa at sinimulan ang pagtatayo ngIron Curtain.
Nagwakas ang pagtutulungan ng Estados Unidos at USSR sa pagitan ng 1944-1945 nang gamitin ni Stalin angHukbong Pula upang kontrolin ang Silangang Europa. Tinutulan ni PangulongHarry S. Truman ang patakaran ni Stalin. Kumilos siya upang pag-isahin ang Europa sa pamumuno ng Amerika. Nawalan ng tiwala sa isat-isa ang dalawa nang hindi nila tinupad ang kasunduan sa Digmaan. Hindi sinunod ni Stalin ang pangakong magkakaroon ng Halalan sa Silangang Europa. Hindi naman tinupad ni Pangulong Truman ang pangakong Reparasyon upang itayong muli angUnyong Sobyet na nasira noong digmaan.
Nagsimula ang labanan ngEstados Unidos atUnyong Sobyet sa pagkontrol saAlemanya at ibang estratehikong lugar tulad ngDardanelles at ang mga kipot na magkakarugtong saDagat Itim,Dagat Aegean, atDagat Mediterranean. NoongMarso 1946, ipinahayag niPangulong Truman na magbibigay ang Estados Unidos ng tulong pangkabuhayan at militar sa mga bansa na susuporta sa mga mamamayan na nakikipaglaban sa pagtatangka ng mga armadongminorya na supilin nila. Tinawag ang patakarang ito naTruman Doctrine. Sa taong din ito ginawang popular ng mamamahayag na si Walter Lippman ang terminolohiyangCold War.
Noong 1948 inlunsad ang 13bilyongdolyar naMarshall Plan na naglalayong itayong muli ang kanlurang Europa. sinagot ito ni Stalin sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo sa Silangang Europa. Dahil dito, nanganib ang kalagayan ng Kanluranin sa Germany. Kumilos naman si Pangulong Truman at tumulong sa pagtatatag ng alyansang militar, angNorth Atlantic Treaty Organization(NATO), at sa pagtatatag ng malayangWest Germany. Nang iminungkahi ng mga makakapanalig saKanluran ang pagbabago sa pananalapi sa sinakop naGermany, hindi sumangayon angUSSR. Gayunpaman, sinimulan ito ng West Germany sa mga sinakop nilang Sona. Bilang ganti, isinara ng Unyong Sobyet ang lahat ng daanang lupa patungong Kanlurang Berlin noongHunyo 1948. Subalit nagpadala angEstados Unidos atUnited Kingdom ng mga suplay saKanlurang Berlin sa pamamagitan ngeroplano. Nagwakas ito noongMayo 1948.
Hanggang 1989, tangingRomania,Albania,Yugoslavia lamang ang nakawala sa kamay ngMoscow.Kapag nagtangka ang ibang mga bansa sa silangang Europa na ipatupad ang malayang patakaran, kaagad iginigiit ng USSR ang kanyang sariling patakaran. Dalawang halimbawa nito nang magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan ng Hungary noong 1956 at sa Czechoslovakia noong 1968. Nilusob ang mga ito ng militar at noong 1981 ideneklara ang Batas Militar upang masawata ang malayang kalakalang unyon.
Lumawak ang Digmaang Malamig noong 1949-1950 nang pinasabog ng Unyong Sobyet ang kanyang unang Bombang Atomika. Pinaalis ng mga komunista saTsina sa pamumuno niMao Zedong ang pamahalaangNasyonalista niChiang Kai-shek at nagtatag ng bagong pamahalaan Sila ay nakipagalyansa kay Stalin. Samantala, hindi kinilala ng Estados Unidos ang pamahalaan ni Mao. SaHapon, pinabilis ang pagunlad ng ekonomiya upang salungatin ang komunismo saAsya.
Humantong ang unang bahagi ng Digmaang Malamig sa paglusob ngHilagang Korea saTimog Korea noong 26 Hunyo 1950. Dito nasangkot ang Estados Unidos sa Digmaan sa Asya. Nahati ang Korea sa38th parallel sa dalawa noong 1948. Nagtatag ang bawat panig ng pamahalaan-komunista sa Hilaga at maka-Estados Unidos naman sa Timog. Noong Hunyo 1950, nilusob ng Hilagang Korea ang Timog Korea. Nagpadala ang United Nations ng hukbong sandatahan upang tulungan ang Timog Korea. Tumulong din ang Estados Unidos at lumaban kasapi ng Timog Korea, sa pamumuno niHeneral Douglas MacArthur. Itinaboy ng magkasanib na puwersa ang mga taga-Hilagang Korea sa hangganan ngTsina. Dito kumilos kaagad si Mao Zedong.
Gumawa ng surpresang paglusob ang Tsina hanggang maitaboy ang hukbo ngmga Nagkakaisang Bansa at maibalik ang lumang hangganan noong 1951. Nagpatuloy pa ang labanán sa loob ng dalawang taon. Nang magbanta ang Estados Unidos ngSandatang nuklear, saka lamang nilagdaan ang tigil putukan. Naibalik sa Korea ang dating kalagayan pagkatapos ngIkalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit nagpatuloy ang Digmaang Malamig at pumasok sa bagong anyo. Namatay si Stalin at natapos ang panunungkulan niPangulong Truman subalit nagpatuloy ang dalawang panig sa kanilang pakikipaglaban tungkol sa Europa.
Sinikap ng USSR na bigyan ng proteksiyon ang nababawasang populasyon ng komunistangEast Germany sa pamamagitan ng pagtatayo ng Berlin Wall noong 1961. Sinikap din ng bawat panig na maimpluwensiyahan ang mga bagong bansa saAsya,Africa,Central America,South America atLatin America.
Nagkaroon ng krisis noong 1962 nang maglagay ang USSR ng mga missile saCuba, ang bago nilang kaanib. Nagbanta si PangulongJohn F. Kennedy ng gantingnuklear. Inalis ng Sobyet ang mga missile kapalit ng pangako ni Pangulong Kennedy na hindi lulusubin ang Cuba. Humina ang Unyong Sobyet nang humiwalay angTsina saMoscow. Kasabay pa nito ang lumalaking impluwensiya ng Nasyonalismo kaysa Komunismo.
IsangNLF activist na inaresto habang nagaganap ang pagatake ng mga Amerikano sa isang base ng Amerika malapit saCambodian Border.
Sa kabilang dako, nakipaglaban ang Estados Unidos sa Digmaan sa Vietnam kung saan 57,000Amerikano ang namatay sa layong mapanatili angTimog Biyetnam. Nariyan pa ang Estados Unidos sa pangunguna saekonomiya na sinundan ngHapon atWest Germany.
Upang mahirapan ang bawat hamon, gumamit ng mga estratehiya ang Unyong Sobyet at Estados Unidos. Tinawag naContainment ang estratehiya ng Estados Unidos kung saan sinasagot ang pang-aapi o pagpipilit ngUnyong Sobyet saanman ito nagaganap. Gumamit naman angKremlin ng estratehiyang pangganti laban sa Containment ng Estados Unidos.
Noong 1956, gumamit ang USSR ng dalawang bagong istratehiya. Ang una ay pangkabuhayan at militar na kompetisyon laban sa Estados Uinidos. Ang pangalawa ay ang paghahati ng mga makapangyarihang bansa sa kanluran sa pamamagitan ng pagpupumilit ng Unyong Sobyet na paalisin ang mga kanluranin sa Berlin. Noong 1955, itinatag angKasunduan ng Varsovia bilang kasagutan sa pag-aarmas ngKanlurang Germany. Dahil dito, nagkaroon ng bagong komprontasyon ang Estados Unidos at USSR. Naging mas mapanganib ang mundo dahil kapwa may mgaSandatang nuklear ang dalawang panig. Higit na naging mapanganib nang magkaroon ng krisis saBerlin atCuba.
Sa panahon ng digmaan, kakaiba ang kalagayan ng mundo. Sa dalawang panig, may paulit-ulit at dumarami silang away nagbabantaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paniniktik gamit angintelligence agencies, elektronikong kasangkapan, matataas na lipad ng eroplano atspacecraft. Naapektuhan din ang mga mamamayan dahil sinisira ang karapatan nila sa pamamagitan ngpahayagan,propaganda,radyo attelebisyon.
Garthoff, Raymond (1994).Détente and Confrontation: American-Soviet Relations from Nixon to Reagan. Brookings Institution Press.ISBN0815730411.{{cite book}}:Invalid|ref=harv (tulong)CS1 maint: postscript (link)
Haslam, Jonathan.Russia's Cold War: From the October Revolution to the Fall of the Wall (Yale University Press; 2011) 512 pages
Hoffman, David E.The Dead Hand: The Untold Story of the Cold War Arms Race and Its Dangerous Legacy (2010)
Hopkins, Michael F. "Continuing Debate and New Approaches in Cold War History,"Historical Journal, Disyembre 2007, Vol. 50 Issue 4, pp 913–934, historiography
Johnston, Gordon. "Revisiting the cultural Cold War,"Social History, Agosto 2010, Vol. 35 Issue 3, pp 290–307
Lüthi, Lorenz M (2008).The Sino-Soviet split: Cold War in the communist world. Princeton University Press.ISBN0691135908.
LaFeber, Walter (2002).America, Russia, and the Cold War, 1945-2002. McGraw-Hill.ISBN0072849037.{{cite book}}:Invalid|ref=harv (tulong)CS1 maint: postscript (link)
Mastny, Vojtech.The Cold War and Soviet insecurity: the Stalin years (1996)online edition
Fedorov, Alexander (2011).Russian Image on the Western Screen: Trends, Stereotypes, Myths, Illusions. Lambert Academic Publishing,.ISBN978-3843393300.{{cite book}}: CS1 maint: extra punctuation (link)
Njolstad, Olav (2004).The Last Decade of the Cold War. Routledge.ISBN071468371X.{{cite book}}:Invalid|ref=harv (tulong)CS1 maint: postscript (link)
Nolan, Peter (1995).China's Rise, Russia's Fall. St. Martin's Press.ISBN0312127146.
Pearson, Raymond (1998).The Rise and Fall of the Soviet Empire. Macmillan.ISBN0312174071.{{cite book}}:Invalid|ref=harv (tulong)CS1 maint: postscript (link)
Plokhy, S.M. (2010).Yalta: The Price of Peace. Penguin?.ISBN0670021415.{{cite book}}:Invalid|ref=harv (tulong)CS1 maint: postscript (link)
Puddington, Arch (2003).Broadcasting Freedom: The Cold War Triumph of Radio Free Europe and Radio Liberty. University Press of Kentucky.ISBN0813190452.{{cite book}}:Invalid|ref=harv (tulong)CS1 maint: postscript (link)
Taubman, William (2004).Khrushchev: The Man and His Era. W. W. Norton & Company.ISBN0393324842.{{cite book}}:Invalid|ref=harv (tulong)CS1 maint: postscript (link); Pulitzer Prize
Tompson, William J (1997).Khrushchev: A Political Life. Palgrave Macmillan.ISBN0312163606.{{cite book}}:Invalid|ref=harv (tulong)CS1 maint: postscript (link)
Tucker, Spencer, ed.Encyclopedia of the Cold War: A Political, Social, and Military History (5 vol. 2008), world coverage
Walker, Martin.The Cold War: A History (1995), British perspective
Wettig, Gerhard (2008).Stalin and the Cold War in Europe. Rowman & Littlefield.ISBN0742555429.{{cite book}}:Invalid|ref=harv (tulong)CS1 maint: postscript (link)
Hanhimaki, Jussi and Odd Arne Westad, eds.The Cold War: A History in Documents and Eyewitness Accounts (Oxford University Press, 2003).ISBN 0-19-927280-8.
↑"Pag-unawa sa ICC"(PDF).www.icc-cpi.int. International Criminal Court. Nakuha noong2024-09-10.Noong 1990, pagkatapos ngDigmaang Malamig, ang mga hukuman katulad ng Internasyonal na Hukumang Pangkrimen...
The CAESAR, POLO, and ESAU PapersNaka-arkibo 2009-07-10 saWayback Machine.–This collection of declassified analytic monographs and reference aids, designated within the Central Intelligence Agency (CIA) Directorate of Intelligence (DI) as the CAESAR, ESAU, and POLO series, highlights the CIA's efforts from the 1950s through the mid-1970s to pursue in-depth research on Soviet and Chinese internal politics and Sino-Soviet relations. The documents reflect the views of seasoned analysts who had followed closely their special areas of research and whose views were shaped in often heated debate.