AngDigmaang Laban sa Terorismo (Ingles:War on Terror), na nakikilala rin bilangPandaigdigang Digmaang Laban sa Terorismo (oGlobal War on Terror) o kaya bilangDigmaang Laban sa Panliligalig (Ingles:War on Terror) ay isang katagang pangkaraniwang inilalapat sa isang pandaigdigang kampanyang militar na pinamunuan ngEstados Unidos at ngNagkakaisang Kaharian na pagtangkilik o suporta ng ibang mga bansang kasapi saNATO pati na mga bansang hindi kasapi sa NATO. Orihinal na ang kampanyang ito ay inilunsad laban saal-Qaeda at iba pang mga organisasyongmilitante na may layuning gapiin sila.[1]
Ang pariralangWar on Terror ay unang ginamit ngPangulo ng Estados Unidos at iba pang mga opisyal ng Estados Unidos na may matataas na ranggo upang ipahiwatig ang isang pandaigdigang pangmilitar, pampolitika, pambatas at pang-ideyolohiyang pakikipaghamok laban sa mga organisasyong pinangalanan bilangterorista at mga rehimen na sinakdal na mayroong kaugnayan sa kanila o nagbibigay sa kanila ng suporta o pinaghihinalaan, o humaharap bilang isang badya ng panganib sa Estados Unidos at sa mga kakampi nito sa pangkalahatan. Ito ay pangkaraniwang ginagamit sa isang partikular na pagtuon saterorismong Islamiko (mga militanteng Islamista) at al-Qaeda.
Bagaman ang termino ay hindi opisyal na ginagamit ng administrasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na siBarack Obama (na sa halip ay gumagamit ng katagangOverseas Contingency Operation o "Operasyong Pangkagipitan (Kontinhensiya) na Pang-ibayong Dagat"), ito ay pangkaraniwan pa ring ginagamit ng mga politiko, sa midya at opisyal na ginagamit ng ilang mga aspeto ng pamahalaan, katulad ngMedalya ng Serbisyo sa Pandaigdigang Digmaan Laban sa Terorismo ngLakas Sandatahan ng Estados Unidos.