Angngalang panlipi na tinatawag din sa salitangdemonym (/ˈdɛmənɪm/; mula saGriyego: δῆμος,dêmos, "tao, angkan" at όνομα,ónoma, "pangalan") ohentilisiyo/gentilic (mula saLatin:gentilis, "ng isang angkan o pangkat ng mga tao na may magkaparehong pinagmulan")[1] ay isang salita na tumutukoy sa isang pangkat ng tao (naninirahan, residente o katutubo) na may kaugnayan sa isang partikular na lugar. Angngalang panlipi ay kadalasang hinango mula sa pangalan ng lugar (barangay, linang, nayon, bayan, lungsod, rehiyon, lalawigan, estado, bansa, kontinente, at iba pa) o ng isangpangkat-etniko.[2] Bilang isang larangang nasa ilalim ngantropolohiya, tinatawag ang pag-aaral ng mga demonim bilangdemonymy odemonymics. Kabilang sa mga halimbawa ng mga demonym angCochabambino, na nangangahulugang ang isang indibiduwal na nagmula sa lungsod ng Cochabamba; angAmerikano na isang tao na mula sabansa na tinatawag naEstados Unidos (o mas malakawak na kahulugan ay ang tao na mula sa mgalupalop ngHilagang Amerika atTimog Amerika);Pasigueño, na tumutukoy sa mga tao na mula salungsod ng Pasig; at angSwahili, na isang tao sa baybayin ng Swahili.