Sa pangkalahatan, mayroong dalawang uri ng demokrasya: tuwiran at kinatawan. Satuwirang demokrasya,pinag-uusapan at pinagpapasiyahan ng mga tao mismo anglehislatura. Sakinatawang demokrasya, inihahalal ng mga tao ang mga kinatawan upang pag-usapan at pagpasiyahan ang lehislatura, tulad saparlamentong opampanguluhang demokrasya. Pinagsasama nglikidong demokrasya ang mga elemento nitong dalawang saligang uri. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, pinababago ang pangngalang "demokrasya" ng higit sa 3,500 pang-uri na nagmumungkahi na mayroon itong mga uri na nakaiiwas sa at nakaliligta ng dualidad na ito.[1]
Ang naging pinakakaraniwang kaparaanan sa pagpapasiya ng mga demokrasya aypanuntunan ng karamihan,[2][3] ngunit naging kasinghalaga rin ang mga ibang kaparaanan tulad ngsupermayorya atpagkaisahan. Nagsisilbi ang mga ito sa napakahalagang layunin ng inklusibilidad at mas malawakang pagkalehitimo sa mga sensitibong paksa, na nagiging panimbang samayoritarismo, at sa gayon ay kadalasang nangingibabaw sa antas ng saligang batas.
Sa karaniwang uri ngdemokrasyang liberal, ginagamit ang kapangyarihan ng karamihan sa loob ng balangkas ng isang kinatawang demokrasya, ngunit nililimitahan ngsaligang batas ang karamihan at pinoprotektahan ang minorya, karaniwan sa pagtatamasa ng lahat ng mga tiyak na pansariling karapatan, hal. kalayaan sa pagsasalita, o kalayaan sa pakikisama.[4][5] Bukod sa mga ganitong uri ng demokrasya, mayoon pang napakaraming uri. Ang mgarepublika, bagaman madalas iniuugnay sa demokrasya dahil sa pagkaparehong prinsipyo ng pamamahala ngpagsang-ayon ng mga pinamamahalaan, ay hindi palaging demokrasya, dahil hindi tinutukoy ngrepublikanismo kungpaano mamamahala ang mga tao.[6]
Ang demokrasya ay isang sistema ng pagpoproseso ng mga salungatan kung saan nakadepende ang mga kalalabasan sa ginagawa ng mga kalahok, ngunit walang nag-iisang puwersa na may hawak sa nangyayari at sa kanilang mga kalalabasan. Kalakip sa demokrasya ang kawalang-katiyakan sa mga kalalabasan. Pinipilit ng demokrasya na magpunyagi nang walang tigil ang lahat ng mga puwersa upang matanto nila ang kani-kanilang mga interes at inililipat ang kapangyarihan mula sa mga pangkat ng tao tungo sa mga alituntunin.[7] Itinuturing na nagmula angKanluraning demokrasya, iba sa umiral sa mga pre-modernong lipunan, sa mgaestadong-lungsod tulad ngKlasikong Atenas at ngRepublikang Romano, kung saan nakita ang iba't ibang pamamaraan at antas ng pagbibigay ng karapatan sa malayang populasyon ng kalalakihan bago ito nawala saKanluran sa simula nghulihan ng antikwidad.
Ayon kayLarry Diamond, isang Amerikanong makapulitikang siyentipiko, binubuo ang demokrasya ng apat na pangunahing elemento: isang sistemang pampulitika para mapili at mapalitan ang pamahalaan sa pamamagitan ng malayang at makatarunganghalalan; aktibong pakikibahagi ng mga tao, bilang mga mamamayan, sa pulitika at buhay sa komunidad; pagtatanggol ngkarapatang pantao ng lahat ng mga mamamayan; isangpamamahala ng batas, kung saan pantay-pantay na kumakapit ang mga batas at pamamaraan sa lahat ng mga mamamayan.[8] Magkagayunman, itinatawag-pansin ni Todd Ladman sa atin ang katotohanan na magkaibang konsepto ang demokrasya atkarapatang pantao at "dapat mayroong higit na pagtitiyak sa pagsasakonsepto at pagpapatakbo ng demokrasya at karapatang pantao".[9]
Lumitaw ang kataga sa ika-5 siglong BK upang tumukoy sa mga sistemang pampulitika na umiral sa mgaGriyegong estadong-lungsod, lalo na saAtenas, upang mangahulugang "pamumuno ng mga tao", salungat saaristokrasya (ἀριστοκρατία,aristokratía), na nangngangahulugang "pamumuno ng mga piling tao". Samatalang magkasalungat ang mga kahulugan na ito ayon sa teorya, lumabo ang pagkakaiba nila sa kasaysayan.[10] Bilang halimbawa, ipinagkaloob ng sistemang pampulitika ng Klasikong Atenas, ang demokratikong pagkamamamayan sa mga malayang kalalakihan at ipinuwera ang mga alipin at kababaihan sa pakikibahagi sa pulitika. Sa halos lahat ng mga demokratikong pamahalaan mula sinaunang hanggang modernong kasaysayan, binubuo ang demokratikong pagkamamamayan ng mga piling tao, hanggang napagwagian ang buong pagbigay ng karapatan sa lahat ng mga mamamayang adulto sa karamihan ng mga modernong demokrasya sa pamamagitan ng mga kilusangpaghahalal ng mga ika-19 at ika-20 siglo.
Magkabaligtad ang demokrasya at iba pang uri ng pamahalaan kung saan hinahawak ang kapangyarihan ng iisang indibidwal, tulad samonarkiyang ganap, o kung saan hinahawak ang kapangyarihan ng mga limitadong bilang ng mga indibidwal, tulad saoligarkiya. Gayunman, ang mga kasalungat na ito, na minana sa pilosopyang Griyego,[11] ay hindi na tiyak dahil pinagsama-sama ng mga kapanahong pamahalaan ang mga elemento ng demokrasya, oligarkiya, at monarkiya. Nagbigay-kahulugan siKarl Popper sa demokrasya taliwas sadiktadura opaniniil, kaya nakatuon ito sa mga pagkakataon ng mga taong magkontrol sa kanilang mga pinuno at magpaalis sa kanila nang walang kinkailanganghimagsikan.[12]
Sinasabi ng isang teorya na kinakailangan ng demokrasya ang tatlong pangunahing alituntunin: pamamahalang pataas (ang kapangyarihan ay nasa pinakamababang antas ng awtoridad), pagkakapantay-pantay sa pulitika, at pamantayang panlipunan kung saan isinaalang-alang ng mga indibidwal at institusyon ang mga kaayaayang gawa na sumasalamin sa unang ikalawang alituntunin ng pamamahalang pataas at pagkakapantay-pantay sa pulitika.[18]
↑Locke, John.Two Treatises on Government: a Translation into Modern English. Quote: "There is no practical alternative to majority political rule – i.e., to taking the consent of the majority as the act of the whole and binding every individual. It would be next to impossible to obtain the consent of every individual before acting collectively ... No rational people could desire and constitute a society that had to dissolve straightaway because the majority was unable to make the final decision and the society was incapable of acting as one body."Google Books.
↑Watkins, Frederick (1970). "Democracy".Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 7 (ika-Expo '70 hardcover (na) edisyon). William Benton. pp. 215–23.ISBN978-0-85229-135-1.
↑R. R. Palmer,The Age of the Democratic Revolution: Political History of Europe and America, 1760–1800 (1959)
↑Diamond, L., Lecture at Hilla University for Humanistic Studies 21 January 2004:"What is Democracy"; Diamond, L. and Morlino, L., The quality of democracy (2016). In Diamond, L., In Search of Democracy. London: Routledge.ISBN978-0-415-78128-2.
↑O'Donnell, Guillermo (2005), "Why the rule of law matters", sa Diamond, Larry; Morlino, Leonardo (mga pat.),Assessing the quality of democracy, Baltimore: Johns Hopkins University Press, pp. 3–17,ISBN978-0-8018-8287-6.{{citation}}:Invalid|ref=harv (tulong)Preview.
↑Dahl, Robert A.; Shapiro, Ian; Cheibub, José Antônio (2003).The democracy sourcebook. Cambridge, Massachusetts: MIT Press.ISBN978-0-262-54147-3.Details.
↑Hénaff, Marcel; Strong, Tracy B. (2001).Public space and democracy. Minneapolis: University of Minnesota Press.ISBN978-0-8166-3388-3.