Angdekada 2020 od. 2020 kung dinaglat ay ang kasalukuyangdekada ngkalendaryong Gregoryano na nagsimula noong Enero 1, 2020, at matatapos sa Disyembre 31, 2029.
Nang nagsimula ang dekada, lumaganap angpandemya ng COVID-19 sa buong mundo, na nagdulot ng paggambala sa lipunan at ekonomiya.
37.9 milyong tao na namumuhay na may HIV (katapusan ng 2018), 24.5 milyong tao ang kumukuha ng terapewtikangantiretroviral (katapusan ng 2019), 32.0 milyon namatay mula sa mga sakit na kaugnayan sa AIDS simula nang nagsimula ang epidemya (katapusan ng 2018)[2]
Nalutas ng Deepmind ang suliranin sa pagtiklop ngprotina na hanggang 90 bahagdan na ganap na kawastuhan, isang 50-taong malaking hamon, sa CASP14 noong 2020.[3][4]
Nagdulot angpagpatay kay George Floyd ng maraming protesta at kaguluhan sa Estados Unidos at sa internasyunal noong 2020. Ang sinabing layunin ng protesta ay ang katapusan ng brutalidad ng pulis at hindi pagkapantay-pantay ng lahi.
Nagkaroon ng malaking inspirasyon ang nauusongmoda noong maagang dekada 2020 sadekada 2000.[8][9][10] Ang pagsuot ng pandekorasyong maskara upang maiwasan ang sakit naCOVID-19 sa pagkalat ay isang nausong moda noong maagang dekada 2020.[11]
Nailabas ang ilang pelikula at ibang paparating na pelikula sa mga platapormangstreaming imbis sa mga sinehan dahil sa pandemya ng COVID-19. Isang kapansin-panis na halimbawa, na iilang pelikula, ay nailabas din na sabay-sabay sa parehong sinehan at platapormangstreaming.
Nagsimula ang dekada 2020 sa mga pangunahing serbisyongstreaming naNetflix, Amazon Prime, HBO Max, Hulu at Disney+. Patuloy na bumagsak sa popularidad ang telebisyong kaybol at telebisyong satelayt at hindi na ganoong kalaganap tulad noong dekada 2010 at mga dekada pa na nagdaan.
Si Charli D'Amelio, isa sa mga pinakasikat na nagti-tiktok na may higit sa 100 milyong tagasubaybay sa app.
Noong 2020, naging mahalaga angTikTok bilang plataporma ng musika.[12] Dumami ang pag-stream na plataporma tulad ng sa Spotify at Apple Music dulot ng pandemyang COVID-19. Nakansela ang mga pista tulad ng Coachella dahil sa bayrus. Nasira ng pandemyang COVID-19 ang negosyo ng paglilibot.[13]