Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Dekada 2010

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mula sa kaliwa, pakaliwa: Mga protesta kontra-pamahalaan noongPrimaberang Arabe;isinama angCrimea saRusya noong 2014; isinakatuparan ngISIS/ISIL ang mga teroristang pag-atake at pagkuha ng mga teritoryo ngSirya atIraq; ang kamalayan sapag-init ng daigdig at ang Kasunduang Paris; ang unang larawan ng isangitim na butas; ginawang ligal ngObergefell v. Hodges angkasalan ng magkaparehong kasarian saEstados Unidos; ang dumadaming paggamit ng dihital at mobil na mga teknolohiya; bumoto angReino Unido sapag-alis saUnyong Europeo.
Milenyo:ika-3 milenyo
Dantaon:
Dekada:
Taon:

Angdekada 2010 od. 2010 kung dinaglat ay isangdekada ngkalendaryong Gregoryano na nagsimula noong 1 Enero 2010, at nagtapos noong 31 Disyembre 2019.

Nagsimula ang dekada sa gitna ng isangpandaigdigang krisis sa pananalapi at mga sumunod na mga internasyunal na resesyon na nagsimula noong huling bahagi ngdekada 2000. Ang nagresultang krisis ng soberanong-utang sa Europa ay mas naging malakas sa maagang bahagi ng dekada at nagpatuloy na makaapekto sa posibilidad ng isang pandaigdigang pagbawi saekonomiya. Nagdulot ang mga isyung ekonomiko, tulad ng pagkamahigpit,implasyon, at pagtaas sa presyo ng bilihin, ng pagkabagabag sa maraming bansa, kabilang ang 15-M at mga kilusang Pag-okupa.[1] Lumago ang mga pagkabagabag sa ilang mga bansa—partikular sa mundongArabe—sa mga sosyoekonomikong krisis na nagdulot ng mga rebolusyon saTunisia,[2]Ehipto, atBahrain gayon din ang mga digmaang sibil saLibya, Sirya, atYemen sa isang laganap na hindi pangkaraniwang bagay na tinutukoy bilang Primaberang Arabe. Nakita ng paglipat ng mga kaugaliang panlipunan ang malaking pag-unlad ng mga karapatangLGBT at representasyon ngkababaihan noong dekada na ito, partikular sa Kanluran at ilang bahagi ngAsya atAprika.

Nagpatuloy angEstados Unidos sa katayuan nito na pandaigdigang napakamakapangyarihang bansa osuperpower habang angTsina, kasama ang malawak na inisyatiba pang-ekonomiya at repormangmilitar, ay naghangad na palawakin ang impluwensya nito saDagat Timog Tsina at saAprika, na pinapatibay ang posisyon nito bilang isang umusbong na pandaigdigang napakamakapangyarihang bansa; nagsanib ang pandaigdigang kompetisyon ng Tsina at Estados Unidos sa isang "pagpigil" at isang digmaangkalakalan.

Umunlad angimpormasyong teknolohiya, sa paglaganap ng mgasmartphone. Nakita ngInternet ng mga bagay (Internet of things) ang malaking paglago noong dekada 2010 dahil sa mga kaunlaran sa mga kagamitangwireless networking, teleponyang mobil, atcloud computing. Napahintulot ng mga kaunlaran sa pagproseso ng datos at ang paggulong ng 4G broadband ang pagkalat ngdatos atimpormasyon sa mga dominyo at tulin na hindi pa nakikita.

Pumatok sa takilya ang mga pelikulang superhero (pinakakilala angMarvel Cinematic Universe) atanimasyon sa dekada ng industriyang sine. Bumama ang bilang ng tagasubaybay ng kaybol habang lumipat ang mga nagkansela ng kanilang subskipsyon sa mas mababang presyongonline streaming tulad ngNetflix, Amazon Prime, Hulu and Disney+. Ang globalismo at ang pagdami ng pangangailangan at personalisasyon sa pagharap ng mg serbisyongstreaming sa musika tulad Spotify ay naglikha ng maraming sub-tipo. Dumaluyong ang sayaw, hip-hop, at musikang pop sa dekada 2010, kasama ang EDM na natamo ang malawak na tagumpay sa komersyo. Nilagpasan ang benta ng CD ng musikang dihital noong 2012. Patuloy nagdomina ang industriya nglarong bidyo ngNintendo,Sony, atMicrosoft; angMinecraft ay ang pinakamabentang laro sa lahat ng panahon. Ang pinakamabentang aklat ng dekadang ito ay angFifty Shades of Grey.

Agham at teknolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang mga nasa baba ay ang mga pinakamahalagang kaunlarang siyentipiko sa bawat taon, batay sa taunang gawad na Tagumpay ng Taon oBreakthrough of the Year ngAmerican Association for the Advancement of Science sa talaarawangScience.

  • 2010: Ang unang makinang kuwantum[3]
  • 2011: Paggamot sa HIV bilang pag-iwas (HPTN 052)[4]
  • 2012: Pagtuklas saHiggs boson[5]
  • 2013: Inmunoterapiya kontrakanser[6]
  • 2014: Kometang misyon naRosetta[7]
  • 2015: Kaparaanang pagbabago ng genoma na CRISPR[8]
  • 2016: Ginawa ngLaser Interferometer Gravitational-Wave Observatory ang unang pagmasid ng mga alon nggrabidad, na isinasakatuparan ang prediksyon niEinstein[9]
  • 2017: Kosmikong pagtatagpo: Pagsasama ng bituing nyutron (GW170817)[10]
  • 2018: Pagbuo ngselula sa pamamagitan ng selula[11]
  • 2019:Nakunan sa unang pagkakataon ang isangitim na butas[12][13]

Teknolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Angrobotika, partikular ang mga drone, ay nagkaroon ng isang malawak na paggamit at aplikasyon. Nakita ang malaking paglago ng teknolohiya at benta ng de-kuryentengkotse.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Hundreds of protesters descend to 'Occupy Wall Street'". money.cnn.com. 17 Setyembre 2011. Nakuha noong17 Setyembre 2011.
  2. "Uprisings in the region and ignored indicators".Payvand (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 2013-04-25. Nakuha noong2021-03-12.
  3. Adrian Cho (2010). "BREAKTHROUGH OF THE YEAR. The First Quantum Machine".Science (sa wikang Ingles).330 (6011): 1604.Bibcode:2010Sci...330.1604C.doi:10.1126/science.330.6011.1604.PMID 21163978.
  4. Jon Cohen (2011)."Breakthrough of the Year: HIV Treatment as Prevention".Science (sa wikang Ingles).334 (6063): 1628.Bibcode:2011Sci...334.1628C.doi:10.1126/science.334.6063.1628.PMID 22194547.
  5. "Breakthrough of the Year, 2012".Science (sa wikang Ingles).
  6. Jenifer Couzin-Franken (20 Disyembre 2013)."Cancer Immunotherapy" (sa wikang Ingles). Science. Inarkibo mula saorihinal noong 22 Disyembre 2013. Nakuha noong22 Disyembre 2013.
  7. Eric Hand (19 Disyembre 2014)."Comet rendezvous" (sa wikang Ingles). Science. Inarkibo mula saorihinal noong 26 Disyembre 2014. Nakuha noong20 Disyembre 2014.
  8. Travis, John (18 Disyembre 2015)."Making the cut".Science Magazine (sa wikang Ingles).350 (6267): 1456–1457.doi:10.1126/science.350.6267.1456.PMID 26680172.
  9. "Ripples in spacetime: Science's 2016 Breakthrough of the Year".Adiran Cho (sa wikang Ingles). AAAS. 22 Disyembre 2016. Nakuha noong23 Disyembre 2016.
  10. "Breakthrough of the year 2017".Science (sa wikang Ingles). AAAS. 22 Disyembre 2017. Nakuha noong9 Setyembre 2018.
  11. "Choose your 2018 Breakthrough of the Year!".Science (sa wikang Ingles). AAAS. Nakuha noong28 Nobyembre 2018.
  12. Phelan, Meagan; Beckwith, Walter (19 Disyembre 2019)."Science's 2019 Breakthrough: First Image of Supermassive Black Hole".American Association for the Advancement of Science (sa wikang Ingles). Nakuha noong20 Disyembre 2019.
  13. American Association for the Advancement of Science (19 December 2019)."Science's 2019 breakthrough of the year: The first image of a black hole".EurekAlert! (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 20 Disyembre 2019. Nakuha noong20 Disyembre 2019.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Dekada_2010&oldid=2140197"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp