Ang kauna-unahang paglabas ni Padukone sa pelikula noong 2009 ay sakung fu komedyangChandni Chowk to China katambal siAkshay Kumar, at hini ito nakakuha ng malaking halaga sa takilya.[5][6] Subalit, sa sumunod niyang pelikula, sa direksyon niImtiaz Ali, ang romansang pelikulangLove Aaj Kal ay nakakuha ng1.2 billion (US$17million) sa buong mundo,[7] at nakakuha siya ng ikalawang nominasyon para sa Best Actress sa Filmfare.[8] Nagkaroon rin ng limang pelikula si Padukone noong 2010. Ang komedyangHousefull ay nagin matagumpay,[7] subalit ang iba pang pelikula niya ay hindi tumabo sa takilya.[9] Ang serye ng hindi matagumpay na mga pelikula ay nagpatuloy sa pagpalabas ng kanyang dramang pelikulangAarakshan (2011) at komedyangDesi Boyz.[10] Ang pagpapakilala niya sa pagganap bilang isang impulsive party-girl sa pelikula niHomi Adajania naCocktail (2012) ay nagbigay ng tagumpay para kay Padukone kung saan nakakuha siya ng sari-saring nominasyon sa kanyang pagganap rito.[10][11][12]
Nakakuha pa ng tagumpay si Padukone noong 2013 nang ang lahat niyang pelikula ay tumabo sa takilya.[13] Ang dalawa rito ay nagingpinakamabentang pelikulang Indyan—ang romantikong komedyangYeh Jawaani Hai Deewani atChennai Express.[14] Nanalo naman siya saFilmfare Award ng Best Actress para sa pagganap ng isang karakter na base kayJuliet sa trahedyang romansangGoliyon Ki Raasleela Ram-Leela (2013) niSanjay Leela Bhansali.[15][16] Noong 2014, lumabas si Padukone sa animasyon saTamil na pelikulangKochadaiiyaan at gumanap bilang isang bar dancer sa pagganap sa pelikulangHappy New Year.[17][18][19] Noong sumunod na taon, siya ay gumanap bilang isang arkitekto sa kinikilalang pelikulang comedy-dramangPiku niShoojit Sircar, na nagbigay kay Padukone ng kanyang ikalawang Best Actress award sa Filmfare, at pagganap niya bilang isang warrior na siMastani sa pinakamabentang pelikula ni Bhansali sa romansang historikal naBajirao Mastani.[20][21][22][23] Ang kauna-unahang proyekto ni Padukone saHollywood—ang pelikulang aksyon naxXx: Return of Xander Cage (2017)—nakakuha ng lalampas sa US$345 milyon sa buong mundo.[24] Ang pinakamabentang pelikulang Indyan ni Padukone noong 2018 ay umabot sa halagang-kita na5.45 billion (US$76million) sa pelikulang dramangPadmaavat ni Bhansali, kung saan ay kanyang ginampananan ang pangunahing papel niRani Padmavati.[25][26]
↑Kumar, Karo Christine (24 January 2015)."Tete a tea With DP".The Telegraph.Inarkibo mula sa orihinal noong 1 February 2015. Nakuha noong28 January 2015.
↑Birajdar, Laxmi (15 February 2012)."Ganesh Hegde makes Pune dance".The Times of India.Inarkibo mula sa orihinal noong 27 November 2017. Nakuha noong25 January 2016.