Bagaman hindi ginagamit sa karamihan ng mga bansa, karaniwan angdaylight saving time sa hilaganglatitud ngPanghilagang Hemispero.
Ginagamit ang DST
Hindi na ginagamit ang DST
Hindi kailanman ginamit ang DST
Ang pariralang Ingles nadaylight saving time (DST; tinatawag din nasummer time saIngles ng Britanya; literal na salin sa Tagalog:oras na nakapagtitipid ng liwanag ng araw) ay ang kasanayan ng panandaliang pagpapasulong ng mga orasan para ang mga hapon ay maging mas mahaba ang pagkakaroon ng liwanag kaysa sa mga umaga na may mas maiikling liwanag. Ito ang lokal o katutubong oras na inaangkin o ginagamit ng maraming mga bansa tuwingtag-init otag-araw. Sa pangkaraniwan, binabago ang mga orasan sa pamamagitan ng pagpapasulong ng oras ng isang oras tuwing hulihan ngtaglamig o maagangtagsibol. Kapag nagwawakas ito tuwingtaglagas, ibinabalik ang mga orasan sa kanilang normal na oras.
Ipinakilala ang DST sa maraming bansa upang magamit ang makukuhang ekstra, labis, o sobrang liwanag tuwing tag-araw. Nakakatulong ito sa mga tindahan nagbebenta sa mga tao pagkaraan nilang manggaling mula sa hanapbuhay, subalit may hindi mabuting apekto sa mga magsasaka at iba pa na ang mga oras ay itinatakda ng araw. Binabawasan nito ang mga antas ng mga aksidente sa trapiko ng mga sasakyan. Kung minsan, nakakabawas ito ng mga halaga ng enerhiya, subalit nakapagpapataas din ng mga ito.