Daang Bonifacio Bonifacio Drive | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 1.0 km (0.6 mi) Tinansyang haba (mula saGoogle Maps) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | Bilog ng Anda saPort Area atIntramuros |
Dulo sa timog | ![]() ![]() ![]() |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
AngDaang Bonifacio (English:Bonifacio Drive) ay isang daang may haba na 1 kilometro (o 0.6 milya) at dumadaan mula hilaga pa-timog sa pagitan ngIntramuros atPantalan ng Maynila saMaynila,Pilipinas. Isa itong tagapagpatuloy ngBulebar Roxas sa hilaga mulaAbenida Padre Burgos saLiwasang Rizal hanggang sa rotondangBilog ng Anda. Binabagtas nito angAbenida Andres Soriano Jr. (datingCalle Aduana), ang pangunahing daan papuntang Intramuros, sa pamamagitan ng rotondangBilog ng Anda na pinangalanan saKastilang gobernador-heneral na siSimon de Anda y Salazar. Paglampas ng rotonda, tutuloy ang Daang Bonifacio bilangBulebar Mel Lopez na papuntang Hilagang Daungan (North Harbor) at sa mga distrito ngSan Nicolas atTondo.
Ilan sa mga kilalang establisimiyento na makikita sa daan ay angManila Hotel, gusali ngKagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), at ang pambansang punong-tanggapan ngPhilippine Red Cross.
Ipinangalanan ito kayAndres Bonifacio (1863–1897), angpambansang bayani ng Pilipinas, angSupremo ngKatipunan, at sa gayon ang ama ng 1896Rebolusyong Pilipino laban saImperyo ng Espanya.
Dati itong tinawag naKalye Malecon (Malecón Drive) noongpanahon ng mga Amerikano.[1] Noongpanahon ng mga Kastila, kilala ito bilangMalecón (o kung minsan,Calle Malecón; salitangKastila para sawaterfront esplanade), sapagkat dati itong lakaran sa may baybayin ngLook ng Maynila bago ang pagtambak ng lupa sa bahaging ito para saSouth Harbor noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Dati din ito tinatawag naPaseo de María Cristina, mula sa noo'y Rehiyente ngEspanya na siMaria Cristina.
14°35′22″N120°58′18″E / 14.58948°N 120.97171°E /14.58948; 120.97171