AngTsekya (Kamalian ng Lua na sa package.lua na nasa linyang 80: module 'Module:Lang/data/iana regions' not found.), opisyal naRepublikang Tseko, ay bansang walang pampang saGitnang Europa. Hinahangganan ito ngAustria sa timog,Alemanya sa kanluran,Polonya sa hilagang-silangan, atEslobakya sa timog-silangan. Sumasaklaw ito ng lawak na 78,871 km2 at tinatahanan ng mahigit 10.8 milyong mamamayan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ayPraga.
Unang itinatag angDukado ng Bohemia sa huling bahagi ng ika-9 na siglo sa ilalim ng Great Moravia. Ito ay pormal na kinilala bilang isang Imperial State ng Holy Roman Empire noong 1002 at naging isang kaharian noong 1198.[16][17] Kasunod ng Labanan sa Mohács noong 1526, ang lahat ng mga lupain ng Korona ng Bohemia ay unti-unting isinama sa monarkiya ng Habsburg. Makalipas ang halos isang daang taon, ang Protestant Bohemian Revolt ay humantong sa Tatlumpung Taon na Digmaan. Pagkatapos ng Labanan sa White Mountain, pinagsama ng mga Habsburg ang kanilang pamumuno. Sa pagbuwag ng Holy Roman Empire noong 1806, ang mga lupain ng Crown ay naging bahagi ng Austrian Empire. Ang Republikang Tseko ay isa sa mga miyembro naUnyong Europeo (EU).
Sumali ang Tsekya saNATO noong 12 Marso 1999 at saUnyong Europeo noong 1 Mayo 2004.
Angpinuno ng estado ng Republikang Tseko ay ang pangulo. Karamihan sa kapangyarihangtagapagpaganap ay nakasalalay sapinuno ng pamahalaan, ang punong ministro, na madalas ding pinuno ng pinakamalaking partido o ng pinakamalakingkoalisyon sa parlamento at itinatakda ng pangulo. Ang natitira sagabinete ay itinatakda ng pangulo sa rekomendasyon ng punong ministro.
Ang pinakamataas na katawangtagapagbatas ay ang bicameral na Parlament České republiky (Parlyamento ng Republikang Tseko), na may 281 kinatawan. Ang pinakamataas natagapaghukom ay ang Ústavní soud (Hukumang konstitusyonal), na nasusunod sa lahat ng mga isyungkonstitusyonal.