AngCopenhague (Danes:København; Ingles:Copenhagen) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod saDinamarka, na may populasyon sa kabayanan na 1.2 milyon (base sa Enero 2011) at kalakhang populasyon na 1.9 milyon (base sa Abril 2011). Ang Copenhague ay nakalagay sa mga pulo ngSelandia atAmager.
Unang naitala noong ika-11 siglo, ang Copenhague ay naging kabisera ng Dinamarka noong ika-15 siglo. Noon ika-17 siglo, sa ilalim ng pamumuno niCristian IV, ito ay naging mahalagang sentrong panrehiyon. Nang matapos ang pang-malawakang Tulay ng Øresund noong 2000, ang Copenhague ay naging sentro ng lalung nagkakalapit na Rehiyon ng Øresund. Sa loob ng rehiyon na ito, ang Copenhague at ang Swekong lungsod ngMalmoe ay tuluyang lumalaki at nagbubuo ng pinag-isang kalakhan.
Ang Copenhague ay isang pangunahing sentro ng kultura, negosyo, midya at agham, ayon sa ilang mga talaang pandaigdig. Ang biyolohiya, impormatika at pagbabarko ay mahahalagang industriya at ang pagsasaliksik at pagpapatupad (research and development) ay isang pangunahing bahagi ng ekonomiya ng lungsod. Ang natatanging kinalalagyan nito at ng kaniyang kapaki-pakinabang na mga pasilidad, bukod sa pagkakaroon ng pinakamalaking daungan saEscandinavia[4] na mapupuntahan sa loob ng 14 minutos sa tren mula sa kabayanan, ay siyang nagdulot sa kaniyang pagiging himpilang panrehiyon at isang madalas na tanggapan[5] ng mga rehiyonal na kompanya at kumbensiyon.
Ang Copenhague ay paulit-ulit na kinikilala bilang isa sa mga lungsod na may pinakamataas na kagandahan sa buhay.[6] Ito rin ay kilala bilang isa sa mga lungsod na maalaga sa kalikasan. Ang tubig sa babaying-dagat ay malinis at maaaring languyan. 36% ng mga mamamayan ay naglalakbay patungong trabaho sa pamamagitan ng bisikleta.[7]
Mula noong pagsalin ng milenio, ang Copenhague ay nagkaroon ng mabilis na pag-unlad panlungsod at pangkultura, at inilalarawan ito bilang isangboom town.[8] Ito ay dala rin ng masisigasig na pagpupuhunan sa mga pasilidad pangkultura at isang bagong pangkat ng mga matatagumpay na disenyador, kusinero at arkitektor.[9] Base sa 2010, ang Copenhague is tinala bilang ika-10 pinakamahal-tirahang lungsod sa daigdig ayon sa pahayagangForbes.[10]
↑"Copenhagen Region Ranks 3rd in Western Europe for Attracting Head Offices". Ministry of Foreign Affairs of Denmark. 6 Enero 2009. Archived from the original on 9 Mayo 2008. Retrieved 24 Hulyo 2009.
↑"Copenhagen is Scandinavia's most desirable city". International Herald Tribune.
↑"Copenhagen – City of Cyclists". City of Copenhagen.