Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

UTC

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saCoordinated Universal Time)
Kasalukuyang mgasona ng oras

AngUTC (Ingles:Coordinated Universal Time,lit. na'Pangkalahatang Tugmang Oras') ay ang pangunahing pamantayang oras na kung saan inaayos ng mundo ang mgaorasan atoras. Nasa loob ito ng isang segundo ng gitnang oras ng solar (tulad ng UT1) sa 0° longhitud (sa Reperensyang Meridiyanong IERS bilang kasalukuyang ginagamit napunong meridyano) at hindi inakma para sadaylight saving time (o oras na nakapagtitipid ng liwanag ng araw). Ito ang epektibong kahalili saGreenwich Mean Time (GMT) o Gitnang Oras ng Greenwich.

Nagsimula noong Enero 1, 1960 ang koordinasyon ng oras at prekuwensya ng mga transmisyon sa mundo. Unang opisyal na pinagtibay ang UTC bilang Rekomendasyong CCIR 374,Standard-Frequency and Time-Signal Emissions, noong 1963, subalit ang opisyal na pagdadaglat ng UTC at ang opisyal na pangalang Ingles (kasama ang katumbas sa Pranses) ay hindi pinagtibay hanggang noong 1967.[1]

Binago ng ilang beses ang sistema, kabilang ang maikling panahon na ang koordinasyong-oras ng mga sensyas ngradyo ay sinamhimpapawid sa parehong UTC at "Stepped Atomic Time (SAT)" bago naipatupad ang bagong UTC noong 1970 at naipatupad noong 1972. Pinagtibay din ng pagbabagong ito ang segundong bisyesto upang simplehan ang mga pag-aakma sa hinaharap.[2] Pinagtibay ng Pangkalahatang Pagpupulong sa mga Bigat at Sukat ang isang resolusyon na baguhin ang UTC sa isang bagong sistema na tatanggalin ang segundong bisyesto sa 2035.[3]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. McCarthy 2009, p. 4. harv error: no target: CITEREFMcCarthy2009 (help)
  2. McCarthy 2009, p. 5. harv error: no target: CITEREFMcCarthy2009 (help)
  3. "Resolutions of the General Conference on Weights and Measures (27th Meeting)".Bureau Internatioonal des Poids et Mesures (sa wikang Ingles). 19 November 2022.Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Nobyembre 2022. Nakuha noong19 Agosto 2022.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=UTC&oldid=2082574"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp