Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Compiler

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang banghay ng operasiyon ng isang tipikal ng isangmulti-language, multi-target compiler

Angcompiler ay isang programa ngkompyuter (o pangkat ng mga programa) na binabago ang anyongpinagmulang kodigo o code na nakasulat sa isangwikang pamprograma tungo sa isa pang wikang pamprograma. Ang pinakakaraniwang rason ng pagbabago ng isang pinagmulang kodigo ay para makagawa ng isangprogramangexecutable o maaring patakbuhin.

Ang pangalangcompiler ay pangunahing ginagamit para samga programa na nagsasalin ngpinagmulang kodigo mula sa mas mataas na wikang programa patungo sa mas mababang antas ng wika. Kung angprogramang naitala ay nakakayang gumana sa kompyuter na angCPU o sistemang nag-papagana aynaiiba mula sa kung saan gumagana ang compiler, ang compiler ay kilala bilang isangcross-compiler. Sa pangkalahatan, ang mga compiler ay isang natatanging uri ng tagasalin.

Ang programa na nagsasalin mula sa isang mababang antas ng wika papunta sa mas mataas na antas ay isang decompiler. Ang programa na nagsasalin sa pagitan ng matataas na antas ng wika ay kadalasang tinatawag nasource-to-source (pinagmulan-sa-pinagmulan) na compiler o transpiler. Ang wikang nagsusulat muli ay kadalasang isang programa na nagsasalin ng mga anyo ng ekspresyon na walang nag-iibang wika. Ang salitang compiler-compiler ay ginagamit para minsan itawag sa isangparser generator, isang kasangkapan namadalas ginagamit para makatulong makalikha nglexer atparser.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Compiler&oldid=1512170"
Kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp