Angcloning (bigkas: /klow-ning/) ay isang salitang Ingles na may kahulugang paglikha ng molekula, selula o organismo na eksaktong kopyanghenetiko ng isa pa. Ito ay nangyayari sa kalikasan sa mga organismo gaya ng bakterya, mga insekto o mga halaman na nagpaparami ngaseksuwal. Sa bioteknolohiya, ang cloning ang artipisyal na paglikha ng eksaktong kopyang henetiko ng isa pang organismo.
Angcloning ang paglikha ng katulad na henetikong kopya ng isang umiiral o nakaraang umiiral na tao. Ang terminong ito ay pangkalahatang tumutukoy sa artipisyal na cloning ng tao. Ang mga clone ng tao sa anyo ng mgaidentikal na kambal ay nangyayari sa sa natural na proseso ng reproduksiyon. Maydalawang mga uri ng cloning ng tao: terapeutikong cloning at reproduktibong cloning. Ang terapeutikong cloning ay kinasasangkutan ng pagko-clone ng mga selula ng matandang tao para gamitin sa medisina. Ang reproduktibong cloning ang paggawa ng mga na-clone na tao. Ang isang ikatlong uri na pagpapalit na cloning ay isang teoretikal na posibilidad at kombinasyon ng terapeutiko at reproduktibong cloning.
Ang modernong pamamaraan ng cloning na kinasasangkutan ngpaglipat na nukleyar ay naisagawa sa ilang mga species. Ang mga kilalang eksperimento nito ay kinabibilangan ng sumusunod:
Butete: (1952) Matagumpay na na-clone nina Robert Briggs at Thomas J. King ang hilagaang leopardong mga palaka. Ito ay 35 kumpletong embryo at 21 butete mulasa 104 na matagumpay na mga paglipat na nukleyar.[1][2]
Karpa: (1963) SaTsina, nilikha ng embryologong siTong Dizhou ang unang na-clone na isda sa pamamagitan ng pagpasok ng DNA mula sa selula ng isang lalakeng karpa tungo sa isang itlog mula sa isang babaeng karpa. Kanyang inilimbag ang kanyang mga natuklasan sa isang Hornal na Tsino ng agham.[3]
Bubwit: (1986) Ang isang bubwit ay matagumpay na na-clone mula sa maagang selulang embryoniko. Ito ay isinagawa ng mga siyentipiko ngUnyong Sobyet na sina Chaylakhyan, Veprencev, Sviridova, at Nikitin. Kanilang inilimbag ang kanilang pagsasaliksik sa magazine na Rusong "Biofizika" bolyum ХХХII, isyu 5 ng 1987.[4]
Domestikadong tupa: Ang unang mammal na na-clone niSteen Willadsen noong 1984 ang tupa mula sa maagang mga selulang embryoniko. SinaMegan at Morag[5] ay na-clone mula sa diperensiyadong mga selulang embryoniko noong Hunyo 1995 at siDolly ang tupa ay na-clone mula sa isang selulang somatiko noong 1996.[6]
Water Buffalo:SiSamrupa ang unang na-clone na water buffalo. Ito ay ipinanganak noong 6 Pebrero 2009 sa Karnal National Diary Research Institute ngIndia ngunit namatay pagkatapos ng limang araw dahil sa impeksiyon sa baga.[17]
AngPyrenean Ibex (2009) ang unang ekstintong hayop (bagaman ang species ay hindi ekstinto o nanganganib, walang mga buhay na halimbawa ng subspecies na Pyrenean ang alam mula 2000) na naclone pabalik sa buhay. Ang clone ay nabuhay sa loob ng 7 minuto bago mamatay sa mga depekto sa baga.[18]
Camel: Si (2009)Injaz ang unang na-clone na kamelyo.[19]