Ang articleay isangUlila, dahil walang ibang mga artikulo angnaka-link dito. Mangyaring mula saipinakilala ang mga link sa pahinang ito mula samga kaugnay na artikulo; subukan mo angFind link tool para sa mga mungkahi.(Disyembre 2013) |
Tulungangmapabuti po ito sa pamamagitan ngpagdagdag ng mga pagsipi samga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mgahindi beripikadong nilalaman. |
Sawikang Ingles, angchild grooming, na may diwangpagsinta sa bata,pagligaw sa bata,pagpapaamo ng bata,negatibong paghahanda sa bata, at maaari ringpagsisiyota ng bata,pagnonobyo sa bata opagnonobya sa bata, ay ang pakikipagkaibigan sa isang bata na may diwang negatibo o hindi nararapat upang maihanda ang bata na tanggapin ang hindi naaangkop na gawain. Tumutukoy ito sa mga gawain kung saan ang layunin ay kaibiganin at magkaroon ng emosyonal na pakikipagkaintindihan sa isang bata upang mawala ang pagdududa nito sa paghahanda sa isang sekswal na aktibidad o pagsasamantala tulad ngpagtatrapiko ng bata. Ito ay maari ring gamitin upang akitin ang mga menor de edad sa mga malalaswang gawain tulad ngpornograpiya at/oprostitusyon. At kahit na ang mga kaso nito sa buong mundo ayheterohenoso o iba-iba, kadalasan ay sa kamay pa rin ng mga malapit na kakilala o kamag-anak ng bata nagmumula angpang-aabuso. Dahil dito laging sinusundan ng pang-aabuso angchild grooming o "pag-aalaga ng bata" ("pangangalaga ng bata").
Kasama sachild grooming ang manipulasyong pangsikolohiya (impluwensiyang sikolohikal) sa pamamagitan ng "positibong pagpapatibay" o "positibong pagpapatatag" (positive reinforcement) at mga "taktikang ang paa ay nasa loob na ng pintuan" (pahakbang nang papasok sa sitwasyon at hindi na makakalabas ofoot-in-the-door tactics) kung saan ang gawaing ito ay kadalasang legal ngunit magiging ilegal sa hinaharap. Ginagawa ito upang makuha ang tiwala ng bata pati na rin ng mga taong responsable dito. Bilang karagdagan, ang pagkakaroon ng mapagkakatiwalaang relasyon sa pamilya ng bata ay isang paraan upang makaiwas sa mga magiging sumbat o akusasyon.
Sa kaso ng "paghahandang seksuwal" (sexual grooming), ang mga imahe ng pornograpiya na may bata ang kadalasang ipinapakita bilang parte ng proseso nggrooming o "paghahanda".
Upang makabuo ng magandang relasyon sa bata at sa pamilya nito, maaring gumawa ng iba't ibang paraan ang mgachild groomer o "mga naghahanda ng bata". Halimbawa, maari silang dagling magkaroon ng interes sa isang bata, maging kaibigan ng bata, at kunin ang tiwala nito. Maari rin silang magbigay ng pera o mga regalo sa bata ng walang kadahilanan gaya ng mga laruan at iba pa. Maari rin silang magpakita ng mga bidyo o larawa ng pornograpiya sa bata na may pag-asang mas mapapadali ang pagtanggap ng bata sa gawain. Maari silang makipag-usap na lamang ng mga paksang sekswal. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga paraang maaring gamitin ng isangchild groomer upang makuha ang tiwala ng isang bata at upang sila ay hayaang gawin ang kanilang nais sa bata. Ang pagyapos o paghalik o iba pang gawaing pisikal, kahit ayaw ng bata, ay maaring mangyari. Para sa mgagroomer, ito ay paraan upang mapalapit. Maaring gamitin nggroomer ang mga paksang madalas pinag-uusapan ng mga matatanda o ng magkaparehong edad bilang simila ng pag-uusap. Maaring ito ay ukol sa problema ng mag-asawa at iba pang mga suliranin. Maaari rin nilang kaibiganin ang mga magulang ng bata upang makuha ang tiwala ng mga ito. Hahanap ng paraan at oportunidad anggroomer upang magkaroon ng pagkakataon makasama ang bata ng mag-isa. Ito ay maaring mangyari sa pamamagitan ng pag-aalok na mag-alaga sa bata. Maari rin niyang yayain ang bata sa isangsleepover. Ang mga ito ay maaring makapagbigay ng pagkakataon sagroomer upang makatulog ng kasama ang bata sa iisang kama.
Ang mga gawain tulad ng pakikipag-ugnayanonline ay mariing ipinagtanggol ng mga may sala gamit ang argumento ngfantasy defense o "pagtatanggol ng pantasya" kung saan ang mga na-akusahan ay tumutol na sila ay nagpapahayag lamang ng kanilang pantasya at hindi plano sa hinaharap. Sa Estados Unidos, may pagkakaiba ang dalawa kung kaya maraming mgagroomer ang nakakatakas.
Ito ay nangyayari rin sa internet. May ibang mga nananamantala ang nagkukunwaring bata sa internet at nakikipagkita sa personal. Naging isang malaking isyu kung nagkakaroon nga ba ng masidhing pag-iingat ang facebook sa ganitong mga bagay. Si Jim Gamble, lider ngChild Exploitation and Online Protection Centre (Ceop) of the United Kingdom, ay nagsabi na noong Abril 2010 na ang kanyang opisina ay nakatanggap ng 292 na reklamo ukol sa mga gumagamit ngFacebook ngunit wala sa mga reklamo ang nanggaling mula saFacebook. Ayon naman sa tagapagsalita ngFacebook,We take the issue of safety very seriously.
Noong 2003, inilunsad at ipinatupad ng MSN sa loob ng kanilang mgachat rooms ang ilang mga paghihigpit upang pangalagaan at protektahan ang mga bata mula sa mga matatandang naghahanap ng malaswang usapan. Noong 2005 naman, inimbestigahan angYahoo! chatrooms ngNew York State attorney general's office dahil sa pagpayag sa mga gumagamit na gumawa ng mgarooms na nagsasabing ito ay malaswa. Oktubre ng parehong taon, pumayag angYahoo! na"implement policies and procedures designed to ensure" that such rooms would not be allowed"
Ang ilang mga organisasyong vigilante ay gumagamit ng operatiba na nagkukunwaring mga bata sa internet upang kumilala ng mga potensiyal na mga abuso at isinusuplong sila sa mga pulis at korte. Ang programa naDateline NBC nagtatampok ng umuulit na segment, angTo Catch a Predator, ay naka-batay sa gawain ng mgasexual groomers.
Marami na ang mgacomputer programs ang binuo upang makatulong sa pagkilala nggrooming at magbigay ng babala sa mga magulang. Ang mga ganitongsoftware ay nasusuri ngchatroom at iba pangInstant messaging logs para sa mga gawain na nalalapit sagrooming at iba pang kahinahinalang gawain. Ilang mga teknolohiya na rin ang iniangkop sa mgasocial networking services at TSP.
Sa ulat ngProtection of Children Against Abuse Through New Technologies, angCouncil of Europe Cybercrime Convention Committee ay binigyang pansin ang lumalaking isyi ng karahasan laban sa mga bata sa pamamagitan ng mga bagong teknolohiya na naka-ugnay sagrooming sa pamamagitan ng internet o ngmobile phones.
Ilang mga estado ang ginawa ng krimen anggrooming sa kanilang batas.
Australian Criminal Code Act 1995 section 474.26 and 474.27 ang nagbabawal s pagamit ng"carrier service" upang makipag-ugnayan na may layuning makuha ang mga taong mas mababa sa 16 ang edad o ilantad ang nasabing tao sa kahit na anong tipo nggrooming.
Ang ilan pang mga teritoryo at estado ay may katulad na palisiya, ang ilan sa mga ito ay gumagamit ng ibang edad (halimbawa, ang biktima ay mas bata sa 18 upang maging biktima saQueensland.)
Sa Canada, ginagawa ngCriminal Code section 172.1 na isang opensa ang makipag-ugnayan sa bata sa pamamagitan ng computer para sa layuning sekswal ("luring a child" o "pagbubuyo ng bata")
Sa England at Wales naman, ginagawa ngsections 14 and 15 of the Sexual Offences Act 2003 isang krimes ang pag-aayos ng pakikipagkita sa isang bata, para sa sarili o sa ibang tao, na may intensiyong sekswal o pang-aabuso. Ang pagkikita mismo ay isang krimen.
AngProtection of Children and Prevention of Sexual Offences (Scotland) Act 2005 ang nagpakilala ng kaparehong probisyon para sa Scottland.
Sa gayon, ang krimen ay maaring magawa kahit walang aktwal na pagkikita at walang bata na kasali sa pagkikita (halimbawa, kung isang pulis ay nagkunwaring bata).
Halimbawa ng pagsasakatuparan ng batas:"In R v T (2005) EWCA Crim 2681, the appellant, aged 43, had pretended to befriend a nine-year-old girl, but had done very little with her before she became suspicious and reported his approaches. He had a number of previous convictions (including one for rape) and was described as a "relentless, predatorypaedophile". The Court of Appeal upheld a longer than commensurate sentence of eight years' imprisonment with an extended license period of two years."
Sa US, ginagawa ng18 U.S.C. § 2422 isang krimen ang opensa sa paggamit nginterstate mail at iba pa upang makapang-akit ng mga menor de edad sa isang gawaing sexswal kung saan ang isang tao ay maaring sampahan ng kaso. Ginagawa naman ng18 U.S.C. § 2425 isang krimen ang pagkalat ng impormasyon tungkol sa isang tao na mas bata sa 16 na taong gulang. May ibang mga estado ang may mga karagdagang batas na sasakop sa pang-aakit ng mga bata sa internet gaya ngFlorida law kung saan"Use of a Computer to Seduce a Child" ay isang krimen.