Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Chieti

Mga koordinado:42°21′N14°10′E / 42.350°N 14.167°E /42.350; 14.167
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Chieti

Chjïétë /Chjìtë (Napolitano)
Città di Chieti
Panorama ng Chieti
Panorama ng Chieti
Watawat ng Chieti
Watawat
Bansag: 
Theate Regia Metropolis utriusque Aprutinae Provinciae Princeps
Lokasyon ng Chieti
Map
Chieti is located in Italy
Chieti
Chieti
Lokasyon ng Chieti sa Italya
Show map of Italy
Chieti is located in Abruzzo
Chieti
Chieti
Chieti (Abruzzo)
Show map of Abruzzo
Mga koordinado:42°21′N14°10′E / 42.350°N 14.167°E /42.350; 14.167
BansaItalya
RehiyonAbruzzo
LalawiganChieti (CH)
MgafrazioneBascelli, Brecciarola, Buonconsiglio-Fontanella, Carabba, Cerratina, Chieti Scalo, Colle dell'ara, Colle Marcone, Crocifisso, De Laurentis Vallelunga, Filippone, Fonte Cruciani, Iachini, La Torre, Madonna del Freddo, Madonna della Vittoria, Madonna delle Piane, San Martino, San Salvatore, Santa Filomena, Selvaiezzi, Tricalle, Vacrone Cascini, Vacrone Colle San Paolo, Vacrone Villa Cisterna, Vallepara, Villa Obletter, Villa Reale
Pamahalaan
 • MayorDiego Ferrara (PD)
Lawak
Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
 • Kabuuan59.57 km2 (23.00 milya kuwadrado)
Taas
330 m (1,080 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
 • Kabuuan50,770
 • Kapal850/km2 (2,200/milya kuwadrado)
DemonymTeatini
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
66100
Kodigo sa pagpihit0871
Santong PatronSanJustino ng Chieti
Saint dayMayo 11
WebsaytOpisyal na website

AngChieti ( Italian: [ˈKjeːti] (link=|Tungkol sa tunog na itolocally [ˈKjɛːti] ;Napolitano:Chiete,Abruzzese:Chjïétë,Chjìtë ;Griyego:Θεάτη,romanisado: Theátē;Latin:Theate,Teate) ay isang lungsod atkomuna (munisipalidad) saGitnang Italya, 200 kilometro (124 mi) silangan ng hilagang-silangan ngRoma. Ito ang kabisera nglalawigan ng Chieti sarehiyon ng Abruzzo .

Sa Italyano, ang pang-uri ayteatino at ang mga naninirahan sa Chieti ay tinawag nateatini. Ang pormang Ingles ng pangalang ito ay napanatili samga Teatino, isang orden ng relihiyosong Katoliko.

Heograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Makikita ang Chieti ilang kilometro ang layo mula saDagat Adriatico, at ang nasa likuran ay mga bundok ngMajella atGran Sasso. Nahahati ito samatandang bayan sa kaugnay naburol na tinatanaw angAterno-Pescara at ang pinakabagong lugar na komersiyal at pang-industriya, na tinatawag na Chieti Scalo at nabuo bunga ngestasyon ng riles ng Chieti kasama ang sinaunang ayos ngVia Tiburtina, sa lambak ngAterno-Pescara.[1][2]

Arkitektura

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Katedral ng Chieti
Ang simboryo ng Simbahan ng San Francisco
Teatro Marrucino

Angkatedral na alay kaySan Justino ng Chieti marahil itinatag noong ika-8 siglo at, ayon sa tradisyon, itinayo muli ng obispo na si Teodorico I noong 840, pagkatapos ng pandarambong niPepin ng Italya. Ito ay muling itinayo ng obispo na Attone I noong 1069,[3][4] ngunit sa gusaling iyon ay mga bahagi lamang ng Romanikong cripta ang natira. Ang simbahan ay pinaganda noong ika-14 at ika-15 siglo salamat sa iba't ibang obispo. Ang unang tatlong palapag ng kampanaryo ay itinayo noong 1335 ni Bartolomeo di Giacomo at noong 1498 itinayo ni Antonio da Lodi angespadaña attiendang bubong nito. Ang simbahan ay pinalamutian muli noong ika-17 siglo saestilong Baroko. Ang1703 lindol sa Apenino ang sumira sa tiendang bubong ng tore ng kampanilya at napinsala ang simbahan, na ang aspeto ay binago ngarsobispong si Francesco Brancia sa pagitan ng 1764 at 1770. Sa unang bahagi ng ika-20 siglo ang arkitektong si Antonio Cirilli ay pinagsama ang kampanaryo at malawak na binago ang panlabas. Ang cripta ay naglalaman ng mga labi niSan Justino ng Chieti.[3][4][5] Malapit sa katedral ay mayroongoratoryongBaroko ng Bundok ng Patay na Kapatiran, ang pinakalumang katolikongkapatiran ng Chieti na opisyal na kinilala niPapa Inocecnio X noong 1648.[6]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Chieti saEncyclopædia Britannica
  2. "Localizzazione di Chieti" [Location of Chieti] (sa wikang Italyano). italapedia.it. Nakuha noongAugust 15, 2017.
  3. 3.03.1Gasbarri, Camillo."Description of Chieti cathedral" (sa wikang Italyano). GUTE&BERG. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 October 2013. Nakuha noong19 July 2017.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
  4. 4.04.1"Chiesa Cattedrale di San Giustino" [Cathedral Church of Saint Justin] (sa wikang Italyano).Comune of Chieti. Inarkibo mula saorihinal noong 30 Hulyo 2017. Nakuha noong19 July 2017.
  5. "San Giustino di Chieti" [Saint Justin of Chieti] (sa wikang Italyano). santiebeati.it. Nakuha noong19 July 2017.
  6. Gasbarri, Camillo."Description of the oratory" (sa wikang Italyano). GUT&BERG. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 December 2013. Nakuha noong19 July 2017.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)

Mga panlabas na link

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Chieti&oldid=2055349"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp