Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Chiaroscuro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Angchiaroscuro (kiːˈɑːrə.ˈskʊroʊ, –ˈskjʊroʊ,Italyano para saliwanag-dilim o "maliwanag at madilim") sa larangan ngsining ay ang paggamit ng malakas namga pagkakaiba sa pagitan ngliwanag at ngkadiliman, na kadalasang malalakas, matatapang (katulad ng sa diwa ng "kapeng matapang" o maitim na kape na walang gatas) o makapal na mga pagkakaibang nakakaapekto sa kinalalabasan ng buong kumposisyon o dibuho. Isa rin itong teknikal na kataga na ginagamit ng mga artista ng sining (mga alagad ng sining) at mgamanunulat ng kasaysayan ng sining para sa paggamit ng mga pagkakaiba ng liwanag upang matamo ang isang diwa ng bolyum (dami o kabuoan) sa pagmomodelo o paggawa ng mga huwaran ng mga bagay natatlo ang mga dimensiyon, katulad ngkatawan ng tao.[1] Ang kahalintulad na mga epekto ng paggamit ng liwanag sasinema (pelikula) atpotograpiya (paglilitrato) ay madalas na tinatawag din bilang chiaroscuro. Ang iba pang mga paggamit na mayroong pagtatangi o espesyalisasyon ay ang "pagtatabas ng kahoy na pachiaroscuro" (chiaroscuro woodcut) para sa mga kinulayang mga pagtatabas ng kahoy (mgawoodcut kung tawagin sa wikang Ingles) na inilimbag sa pamamagitan ng iba't ibang mga bloke o tipak ng kahoy, na ang bawat isa ay pinaggagamitan ng iba't ibang mga tintang may kulay; at ang isa pang espesyalisasyon ay ang "pagguhit ng mga larawan na pachiaroscuro" (chiaroscuro drawing) para sa mga pagguhit o pagdodrowing sa ibabaw ng papel na may kulay na ang larawan ay iginuguhit na gumagamit ng madilim na midyum at puting kulay.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Glosaryo ng Galeriyang Pambansa, London, napuntahan noong 23 Oktubre 2011 (Ingles)

SiningAng lathalaing ito na tungkol saSining ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Chiaroscuro&oldid=2086270"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp