SiCephalus (Sinaunang Griyego:Κέφαλος,Kephalos) ay isang pangalang ginagamit kapwa para sa pigura ng isang bayani samitolohiyang Griyego at binubuhat bilang isangpangalang teoporiko ng mga taong pangkasaysayan. Ang salitangkephalos ay ang salitang Griyego para sa "ulo", na marahil ay ginagamit dito dahil sa si Cephalus ay ang naging "ulo" na tagapagtatag ng isang dakilang mag-anak na kinabibilangan niOdysseus. Maaaring ang Cephalus ay mayroong kahulugan na ulo ng araw na pumatay (nagpasingaw) kay Procris (hamog) sa pamamagitan ng kaniyang hindi nagkakamaling sinag o "sihang" (javelin). Si Cephalus ay ang isa sa mga mangingibig ngdiyosa ngbukang-liwayway na siEos.
Ang marangyang mga sakripisyo para kay Cephalus at para kay Procris ay kinakailangan sa nakakintal na kalendaryong banal niThorikos na nasa katimugangAttica, na marahil ay maipepetsa noong dekada ng 430 BCE at inilathala magmula sa bato noong 1983.[1]