Habang wikangTagalog ang may pinakamalaking bilang ng mga katutubong mananalita sa mga wika ng Pilipinas ngayon, wikang Sebwano ang may pinakamalaking populasyon ng katutubong mananalita sa Pilipinas mula d. 1950 hanggang mga d. 1980.[4] Ito ang pinakamalawak na sinasalita samga wikang Bisaya.[5]
Ang Sebwano aylingguwa prangka ng Gitnang Kabisayaan, mga kanlurang bahagi ng Silangang Bisayas, mga ilang kanlurang bahagi ngPalawan at karamihan ng mga bahagi ngMindanao. Nanggaling ang pangalan ng wika mula sa pulo ng Pilipinas ngCebu na hinulapi ngKastilang-ano (nangangahulugang likas, o isang lugar). Ito ang pinagmulan ng Pamantayang Sebwano.[2] Pangunahing wika rin ang Sebwano sa Kanlurang Leyte—lalo na saOrmoc. May tatlong letrang kodigo ang Sebwano sa ISO 639-2 naceb, ngunit walang ISO 639-1 na dalawang letrang kodigo.
Ang makasaysayang palatandaan ng ng Kapitolyong Panlalawigan saLungsod ng Cebu
Hinango ang salitangSebwano mula sa "Cebu"+"ano", isang kalkong Latin na nagpapakita ng Kastilang pamanang kolonyal ng Pilipinas. Kadalasan,Bisaya ang tawag nito ng mga nagsesebwano at kahit mga taong sa labas ng Cebu.[kailangan ng sanggunian]
Gayunpaman, hindi tanggap ang pangalangSebwano ng lahat ng mga nananalita nito. Tumutol ang mga ibang nananalita nito sa mga ilang bahagi ngLeyte,Hilagang Mindanao,Rehiyon ng Davao,Caraga, atTangway ng Zamboanga sa pangalan ng wika at sinasabi nila na nagmula ang kanilang mga ninuno sa mga nananalita ng Bisaya na katutubo sa kani-kanilang mga lugar at hindi mula sa mga imigrante o dayuhan mula sa Cebu. Higit pa rito, tinutukoy nila ang kanilang etnisidad bilangBisaya sa halip naSebwano at ang kanilang wika bilangBinisaya sa halip naSebwano.[6]
Inilarawan ng mga lingguwistikong pag-aaral sa mga wikang Bisaya, lalo na ang gawa ni R. David Paul Zorc, na "Sebwano" ang sinasalitang wika sa Cebu, Negros Occidental, Bohol (diyalektong Boholano), Leyte, at karamihan sa bahagi ng Mindanao. Ang mga pag-aaral ni Zorc sa wikang Bisaya ay nagsisilbing bibliya ng linggwistika sa pag-aaral ng mga wikang Bisaya. Naglathala si Rodolfo Cabonce, S.J., isang Hesuwitang dalubwika at tubongCabadbaran, ng dalawang diksiyonaryo noong nakatira siya saCagayan de Oro atManolo Fortich saBukidnon: isang diksiyonaryong Sebwano-Ingles noong 1955, at isang diksiyonaryong Ingles-Sebwano noong 1983.[7]
Noongpanahon ng mga Kastila,Visaya ang pagtukoy ng mga Kastila sa mga nananalita ng Hiligaynon, Sebwano, Waray,Kinaray-a, atAklanon at itinuring na magkapareho itong mga wika.[8]
Ayon sa estadistika na inilabas ngPangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas para sa 2020 (ngunit inilabas noong 2023), halos 1.72 milyon ang kasalukuyang bilang ng mga sambahayan na nagsasalita ng Sebwano,[9] at halos 6.5% ng populasyon ng bansa ang nagsasalita nito sa bahay. Gayunpaman, sa isang dyornal na inilathala noong 2020, tinantiyang 15.9 milyon ang bilang ng mga nagsasalita na ibinatay naman sa isang pag-aaral noong 2019.[10]
Wikang Austronesiyo angSinugbuanon, at marami itong katumbas na salita sa ibang mga wika ng Filipinas at iba pa.
Ang Sebwano ay maraming salitang hango sawikang Kastila, tulad ng krus [cruz], swerte [suerte] at brilyante [brillante]. Marami rin itong nahiram na salita saIngles. Mayroon din na galing sa salitangArabo.
↑Hindi inirerekomenda ng maraming lingguwista ang pagtutukoy sa wika bilangBinisaya, dahil maaari itong ipagkamali sa mga iba pang wika sa mga wikang Bisaya.
↑"Population Projection Statistics" [Estadistika ng Prodyeksiyon ng Populasyon].psa.gov.ph (sa wikang Ingles). 28 Marso 2021.Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 26, 2023. Nakuha noong20 Mar 2024.