Isang paris ng maliliit na mga estatwang Romano (ika-3 daantaon AD) na naglalarawan ngDioscuri - ang magkakambal na sina Castor at Pollux - bilang mga mangangabayo, na nakasuot ng kanilang katangi-tanging "suklob na pambungo" (mgaskullcap sa Ingles)(Metropolitan Museum of Art).
Sa mgamitolohiyang Griyego atRomano, sinaCastor atPolux, na tinatawag din bilang sinaCastor[1] atPollux[2] o kaya bilangCastor atPolydeuces[3] aykambal na mga lalaking magkapatid, na kapag pinagsama ay nakikilala bilang angmga Dioscuro oDioscuri ("mga lalaking anak niZeus").[4] Ang kanilang ina ay siLeda, subalit si Castor ay ang mortal na anak niTyndareus na hari ngIsparta, at si Pollux ay ang dibino o banal na lalaking anak niZeus habang siZeus ay nagbalatkayo bilang isanggansa. Bagaman ang mga salaysay hinggil sa kanilang kapanganakan ay magkakaiba, paminsan-minsang sinasabi na sila ay ipinanganak magmula sa isang itlog, na kasama sa pagluluwal na ito ang kanilang mga kapatid na babaeng sinaHelena ng Troy atClytemnestra.
Sa Latin, ang kambal ay nakikilala rin bilang angGemini[5] oCastores.[6] Nang mapatay si Castor, hiniling ni Pollux kay Zeus na payagan siyang lumahok sakaimortalan (mortalidad, ang pagiging namamatay; ayaw niyang maging imortal o hindi namamatay) ng kaniyang kakambal upang manatili silang magkasama, at sila ay binago upang maging angkonstelasyon na nakikilala bilangGemini. Ang tambalan ay itinuturing bilang mga patron ng mga mandaragat, at lumilitaw sila sa mga mandaragat bilangapoy ni San Elmo, at mayroong din silang kaugnayan sapangangabayo opagkakabalyero.
Minsan, sila ay tinatawag bilangTyndaridae omga Tyndarid (Tyndarids, mayroong "s" kung maramihan sa wikang Ingles),[7] omga Tindarida, na paglaon ay tinanaw bilang isang pagtukoy sa kanilang ama at ama-amahang (ama sa muling pag-aasawa ng tunay nilang ina) siTyndareus.