Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Carl Jung

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

SiCarl Gustav Jung (Aleman: [ˈkarl ˈɡʊstaf ˈjʊŋ]; 26 Hulyo 1875 – 6 Hunyo 1961) ay isangSuwisongsikyatriko at ang tagapagtatag ngsikolohiyang analitiko. Itinuturing si Jung bilang ang unang modernong sikyatriko na tumanaw sapsyche ng tao bilang "likas na relihiyoso" at gawin itong tuon ng eksplorasyon.[1] Si Jung ay isa sa pinaka kilalang mga mananaliksik sa larangan nganalisis ng panaginip at simbolisasyon. Habang siya ay buhos na buhos na isang klinisyan, karamihan sa kanyang mga gawain noong nabubuhay pa ay naigugol sa panggagalugad ng mga lugar na tanhensiyal, kasama ang mga pilosopiya sa Silangan at sa Kanluran,alkimiya,astrolohiya, atsosyolohiya, pati napanitikan at mga sining.

Itinuring ni Jung angindibidwasyon, isang prosesong sikolohial na nagiintegra ng mga magkakabaligtad kasama ang may malay-tao at walang malay-tao habang pinananatili pa rin ang kanilang awtonomiyang relatibo, na kailangan ng isang tao upang maging buo.[2] Ang indibidwasyon ay ang pangsentrong konsepto ng analitikal na sikolohiya.[3]

Maraming mga konseptong sikolohikal ay unang iminungkahi ni Jung, kasama angarketipo, angwalang kamalayang kolektibo, angkompleks, atsinkronisidad. Ang isang popular nainstrumentong sikometriko, angIndikador ng Tipo na Myers-Briggs (Myers-Briggs Type Indicator, MBTI), ay prinsipal na ginawa at pinaunlad batay sa mga teoriya ni Jung.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Dunne, Clare (2002). "Prelude".Carl Jung: Wounded Healer of the Soul: An Illustrated Biography. Continuum International Publishing Group. p. 3.ISBN 9780826463074.
  2. Proseso ng Indibidwasyon ni JungNaka-arkibo 2018-02-23 saWayback Machine. Nakuha noong 2009-2-20
  3. Memories, Dreams, Reflections. p. 209.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Carl_Jung&oldid=2102838"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp